Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Juan 3:20 - Magandang Balita Bible (Revised)

20 Kinasusuklaman ng mga gumagawa ng masama ang ilaw, ni hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanilang mga gawa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

20 Sapagka't ang bawa't isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

20 Sapagkat ang bawat isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang ang kanyang mga gawa ay huwag malantad.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

20 Sapagka't ang bawa't isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

20 Kinasusuklaman ng mga gumagawa ng masama ang ilaw, ni hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanilang mga gawa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

20 Kinasusuklaman ng mga gumagawa ng masama ang ilaw, ni hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanilang mga gawa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

20 Ang taong gumagawa ng masama ay ayaw sa liwanag at hindi lumalapit sa liwanag, dahil ayaw niyang malantad ang kanyang mga gawa.

Tingnan ang kabanata Kopya




Juan 3:20
18 Mga Krus na Reperensya  

Kinuha niya ito sa kawali at inihain kay Amnon, ngunit ayaw nitong kumain. Inutusan niyang lumabas ang lahat maliban kay Tamar.


“Mayroon pang isa, si Micaya na anak ni Imla. Ngunit galit ako sa kanya, sapagkat lagi na lamang masama ang hula niya sa akin, wala nang mabuti,” sabi ni Ahab. “Huwag kang magsalita ng ganyan, kapatid kong hari!” tutol ni Jehoshafat.


Malalim na ang gabi nang siya'y bumangon at habang ako nama'y natutulog. Kinuha niya sa tabi ko ang aking anak at dinala sa kanyang higaan, at inilagay naman sa tabi ko ang kanyang patay na anak.


Kapag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot, at ni ayaw na tanggapin ang aking mga utos;


Pagkat itong karunungan ay di ninyo pinahahalagahan, kay Yahweh ay di sumunod nang may lakip na paggalang.


Ayaw mapagsasabihan ang mga palalo, at sa matatalino'y di hihingi ng payo.


Mag-ingat ka sa taong pangiti-ngiti at kikindat-kindat; pagkat tiyak na mayroon siyang masamang binabalak.


ilalayo ka rin nito sa mga tampalasan, na ang landas na pinili ay landas ng kadiliman,


Ngunit ang daan ng matuwid, parang bukang-liwayway, tumitindi ang liwanag habang ito'y nagtatagal.


Dito mo nga maiisip: “Dangan kasi'y di ko pansin ang kanilang pagtutuwid, puso ko ay nagmatigas, sinunod ang aking hilig.


Ang kanilang kasalanan ay patung-patong na, hindi tumitigil sa pandaraya sa iba. Kahit na si Yahweh hindi kinikilala.


Sinabi sa kanya ng isa sa mga dalubhasa sa kautusang Judio, “Guro, sa sinabi ninyong iyan, pati kami'y kinukutya ninyo.”


Ngunit ang namumuhay ayon sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang maihayag na ang mga ginagawa niya ay pagsunod sa Diyos.


Hindi kayo kapopootan ng sanlibutan, ngunit ako'y kinapopootan nila, sapagkat pinapatotohanan kong pawang masasama ang mga gawa nito.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas