Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Jeremias 5:3 - Magandang Balita Bible (Revised)

3 Ang hanap ni Yahweh ay katotohanan. Pinarusahan niya kayo, ngunit hindi ninyo pinansin ang sakit; pinahirapan niya kayo ngunit hindi pa rin kayo nagbago. Ayaw ninyong talikuran ang inyong mga kasalanan; dahil sa katigasan ng inyong ulo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

3 Oh Panginoon, hindi baga tumitingin ang iyong mga mata sa katotohanan? iyong hinampas sila, nguni't hindi sila nangagdamdam; iyong pinugnaw sila, nguni't sila'y nagsitangging tumanggap ng sawa'y; kanilang pinapagmatigas ang kanilang mukha ng higit kay sa malaking bato; sila'y nagsitangging manumbalik.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

3 O Panginoon, hindi ba naghahanap ng katotohanan ang iyong mga mata? Hinampas mo sila, ngunit hindi sila nasaktan; nilipol mo sila, ngunit ayaw nilang tumanggap ng pagtutuwid. Kanilang pinatigas ang kanilang mukha ng higit kaysa batong malaki; ayaw nilang magsisi.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

3 Oh Panginoon, hindi baga tumitingin ang iyong mga mata sa katotohanan? iyong hinampas sila, nguni't hindi sila nangagdamdam; iyong pinugnaw sila, nguni't sila'y nagsitangging tumanggap ng sawa'y; kanilang pinapagmatigas ang kanilang mukha ng higit kay sa malaking bato; sila'y nagsitangging manumbalik.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

3 Ang hanap ni Yahweh ay katotohanan. Pinarusahan niya kayo, ngunit hindi ninyo pinansin ang sakit; pinahirapan niya kayo ngunit hindi pa rin kayo nagbago. Ayaw ninyong talikuran ang inyong mga kasalanan; dahil sa katigasan ng inyong ulo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

3 Ang hanap ni Yahweh ay katotohanan. Pinarusahan niya kayo, ngunit hindi ninyo pinansin ang sakit; pinahirapan niya kayo ngunit hindi pa rin kayo nagbago. Ayaw ninyong talikuran ang inyong mga kasalanan; dahil sa katigasan ng inyong ulo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

3 Pagkatapos, sinabi ko, “Panginoon, naghahanap po kayo ng taong tapat. Sinaktan nʼyo po ang inyong mga mamamayan pero balewala ito sa kanila. Pinarusahan nʼyo sila pero ayaw nilang magpaturo. Pinatigas nila ang kanilang mga puso at ayaw nilang magsisi.

Tingnan ang kabanata Kopya




Jeremias 5:3
45 Mga Krus na Reperensya  

Kinabukasa'y sinabi ng panganay sa bunso, “Kagabi'y sumiping ako sa ating ama; lasingin natin siya uli mamaya, at ikaw naman ang sumiping nang pareho tayong magkaanak.”


Sa kabila ng ganitong mga pangyayari, hindi tumigil si Jeroboam sa kanyang masamang gawain. Patuloy pa rin siya sa paglalagay ng mga paring hindi mula sa lipi ni Levi. Sinumang may gusto ay ginagawa niyang pari ng mga sagradong burol.


Si Haring Ahazias ay nagpatawag uli ng isa pang opisyal at inutusan, kasama ng limampung kawal nito. Pagdating sa burol, lumuhod ang opisyal sa paanan ni Elias at nagsumamo, “Lingkod ng Diyos, maawa po kayo sa akin at sa aking limampung tauhan. Kami po ay inyong lingkod. Huwag po ninyong itulot na mamatay kami.


Nagmamasid si Yahweh sa buong daigdig upang tumulong sa lahat ng tapat sa kanya. Dahil sa kahangalan mong ito, mula ngayo'y lagi kang magkakaroon ng digmaan.”


Lalong nagkasala laban kay Yahweh si Haring Ahaz sa panahon ng kanyang kagipitan.


Nais mo sa aki'y isang pusong tapat; puspusin mo ako ng dunong mong wagas.


Sa galak at tuwa ako ay puspusin; butong nanghihina'y muling palakasin.


Itong taong dati'y aking kasamahan, mga kaibiga'y kanyang kinalaban; at hindi tumupad sa 'ming kasunduan.


Alam ng matuwid ang kanyang hinaharap, di tulad ng masama, nagkukunwa, nagpapanggap.


Binabantayan ni Yahweh ang mga nag-iingat ng kaalaman, ngunit di niya pinagtatagumpay ang salita ng mga mangmang.


at sasabihin mo, “Ano sa akin kung ako'y mahandusay? Mabulagta man ako, ayos lang iyan! Pagbangon ko, iinom muli ako.”


Bayuhin mang parang bigas ang isang taong mangmang, hindi rin maaalis ang kanyang kamangmangan.


Nagbabala ka ng parusa, O Yahweh, ngunit hindi rin nila ito pinansin. Kaya ipadama mo sa kanila ang nakahandang parusa, upang makita nila ang pagmamahal mo sa iyong bayan.


Kaya ipinadama niya sa Israel ang kanyang galit, at ipinalasap ang lupit ng digmaan. Ang galit niya'y nag-aalab laban sa Israel, halos matupok na tayo, ngunit hindi pa rin tayo natuto.


Alam kong matitigas ang inyong ulo, may leeg na parang bakal at noo na parang tanso.


Ngunit hindi pa rin magsisisi ang bayan kahit na sila'y parusahan, ayaw talaga nilang magbalik-loob kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.


Kayo'y parang mga ipang itatahip ko, at tatangayin kayo ng hangin sa buong lupain. Padadalhan ko kayo ng kapighatian, kayo'y aking pupuksain, bayan ko, sapagkat ayaw ninyong iwan ang inyong masasamang gawa.


Ngunit hindi sila nakinig sa akin o kaya'y sumunod, sa halip, nagmatigas pa sila. Ayaw nila akong sundin o paturo sa akin.


“Ito ang ipinapasabi ni Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel: Ipapataw ko na sa lunsod na ito at sa mga karatig-bayan ang lahat ng parusang binanggit ko, sapagkat matitigas ang ulo ninyo at ayaw ninyong pakinggan ang aking sinasabi.”


Pinarusahan ko kayo, ngunit di rin kayo nagbago. Para kayong mababangis na leon, pinagpapatay ninyo ang inyong mga propeta.


Para kang babaing bayaran, wala ka nang kahihiyan! Dahil dito'y pinigil ko ang ulan at hindi pumatak kahit sa panahon ng tagsibol.


dakila ang iyong mga panukala at kahanga-hanga ang iyong mga gawa. Nakikita mo ang ginagawa ng lahat ng tao, at ginagantihan ang bawat isa ayon sa kanyang pamumuhay at gawa.


“Sabihin mo sa mga taga-Juda at mga taga-Jerusalem: Ganito ang ipinapasabi ni Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel: Bakit ayaw ninyong makinig sa akin at sumunod sa mga utos ko?


Hanggang ngayo'y hindi kayo nagpapakumbabá o natatakot man, hindi sumusunod sa aking utos at mga tuntuning ibinigay sa inyo at sa inyong mga magulang.


Subalit hindi ninyo sila pinakinggan ni pinahalagahan. Nagmatigas kayo at masahol pa ang ginawa ninyo kaysa ginawa ng inyong mga magulang.


Kaya ganito ang sabihin mo sa kanila: ‘Narito ang bansang ayaw makinig sa tinig ni Yahweh na kanilang Diyos, at ayaw ituwid ang kanilang mga landas. Naglaho na sa kanila ang katotohanan at hindi man lamang nababanggit.’”


Bayan kong hinirang, bakit kayo lumalayo sa akin ngunit hindi naman nagbabalik? Bakit hindi ninyo maiwan ang inyong mga diyus-diyosan, at ayaw ninyong magbalik sa akin?


Matigas ang kanilang ulo at walang pitagan. Kaya puntahan mo sila at sabihin mong ito ang ipinapasabi ng Panginoong Yahweh.


Ang kalawang mo ay ang iyong kahalayan, Jerusalem. Nililinis kita ngunit ayaw mo. Kaya, hindi ka na lilinis hanggang hindi ko naibubuhos sa iyo ang aking matinding galit.


Tulad ng nasusulat sa Kautusan ni Moises, naranasan namin ang kapahamakang ito. Gayunman, Yahweh, aming Diyos, wala kaming ginawa upang maglubag ang inyong kalooban. Hindi rin namin tinalikuran ang aming kasamaan ni kinilala ang katotohanang inyong ipinapahayag.


“Kung sa kabila nito'y magmamatigas pa rin kayo at patuloy na susuway sa akin,


“Pinadalhan ko kayo ng salot tulad ng aking ginawa sa Egipto. Pinatay ko sa digmaan ang inyong kabinataan; inagaw ko ang inyong mga kabayo. Bumaho ang inyong mga kampo dahil sa mga nabubulok na bangkay; halos hindi kayo makahinga, subalit hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.


“Pinuksa ko ang ilan sa inyong lunsod tulad ng Sodoma at Gomorra. Kayo'y parang nagbabagang kahoy na inagaw sa apoy, ngunit ayaw pa rin ninyong manumbalik sa akin,” sabi ni Yahweh.


“Ginutom ko kayo sa bawat lunsod; walang tinapay na makain sa bawat bayan, gayunma'y hindi kayo nanumbalik sa akin.


Kaya't naghanap ang mga tao mula sa dalawa o tatlong lunsod ng tubig sa karatig-lunsod ngunit di rin napatid ang kanilang uhaw. Gayunman, hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.


“Sinira ko ang inyong pananim, sa pamamagitan ng mainit na hangin at amag. Kinain ng mga balang ang inyong mga halaman, pati ang mga puno ng ubas, igos at olibo, gayunma'y hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.


Kaya't nasabi ko, “Tiyak na matatakot na siya sa akin, tatanggap na siya ng aking pagtutuwid. Hindi na niya ipagwawalang-bahala ang mga paalala ko. Ngunit lalo pa siyang nasabik gumawa ng masama.”


Nalalaman nating makatarungan ang hatol ng Diyos laban sa mga gumagawa ng mga iyon.


Hindi ba't dinidisiplina tayo ng ating mga magulang, at dahil diyan ay iginagalang natin sila? Hindi ba't upang tayo'y mabuhay, mas nararapat na tayo'y pasakop sa Diyos na ating Ama sa espiritu?


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas