Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -

Amos 9:13 - Magandang Balita Bible (Revised)

13 Sinabi rin ni Yahweh, “Darating ang panahon, mag-aararo ang magbubukid habang nag-aani pa ang manggagapas; at maghahasik na ng binhi ng ubas ang magsasaka habang gumagawa pa ng alak ang mag-aalak. Dadaloy sa mga bundok ang bagong alak, at masaganang aagos sa mga burol.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

13 Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aabutan ng mangaararo ang mangaani, at ng mamimisa ng ubas ang magtatanim ng binhi; at ang mga bundok ay papatak ng matamis na alak, at lahat na burol ay mangatutunaw.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

13 “Ang mga araw ay dumarating,” sabi ng Panginoon, “na aabutan ng nag-aararo ang nag-aani, at ng tagapisa ng ubas ang nagtatanim ng binhi; ang mga bundok ay magpapatulo ng matamis na alak, at lahat ng mga burol ay matutunaw.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

13 Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aabutan ng mangaararo ang mangaani, at ng mamimisa ng ubas ang magtatanim ng binhi; at ang mga bundok ay papatak ng matamis na alak, at lahat na burol ay mangatutunaw.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

13 Sinabi rin ni Yahweh, “Darating ang panahon, mag-aararo ang magbubukid habang nag-aani pa ang manggagapas; at maghahasik na ng binhi ng ubas ang magsasaka habang gumagawa pa ng alak ang mag-aalak. Dadaloy sa mga bundok ang bagong alak, at masaganang aagos sa mga burol.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

Ang Salita ng Dios

13 Sinabi pa ng Panginoon tungkol sa mga taga-Israel, “Darating ang araw na magiging masagana ang kanilang ani, hindi pa nga nila natatapos ang pag-aani, sinisimulan na naman ang pag-aararo. At hindi pa natatapos ang pagpisa ng ubas, panahon na naman ng pagtatanim nito. Kung titingnan ang napakaraming ubas na namumunga sa mga bundok at burol, para bang dumadaloy ang matamis na bagong katas nito.

Tingnan ang kabanata Kopya

Amos 9:13
15 Mga Krus na Reperensya  

Batang asno niya doon natatali, sa puno ng ubas na tanging pinili; mga damit niya'y doon nilalabhan, sa alak ng ubas na lubhang matapang.

Itong mga kabundukan ay madaling nalulusaw, sa presensya ni Yahweh, Diyos ng sandaigdigan.

Maglalaho ang tuwa at kagalakan sa kanyang masaganang bukirin. Titigil ang kasayahan at awitan sa kanyang ubasan. Wala nang alak na dadaloy sa kanyang pisaan at tuluyang matatahimik ang masayang hiyawan.

Sa halip na mga tinik, kahoy na mayabong ang siyang tutubo; sa halip na dawag, mga kakahuyan ay muling darami at magsisilago. Ang lahat ng ito'y parangal kay Yahweh, walang hanggang tanda sa lahat ng kanyang mga ginawa.”

Doon, magtatayo sila ng kanilang tahanan at magtatanim ng mga halaman. Payapa silang makakapanirahan doon matapos kong parusahan ang mga karatig-bansa na humamak sa kanila. Sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh.”

ay sasabihin nila, ‘Ang lugar na ito'y dating tiwangwang ngunit ngayo'y parang hardin ng Eden. Ang mga lunsod na wasak at walang tao, ngayon ay may nakatira na, muling nakatayo at naliligid ng muog.’

Mapupuno ng ani ang mga giikan; aapaw ang alak at langis sa mga pisaan.

Sa panahong iyon, mapupuno ng ubasan ang mga kabundukan; bakahan ang makikita sa bawat burol, at sasagana sa tubig ang buong Juda! Dadaloy mula sa Templo ni Yahweh ang isang batis, na didilig sa Libis ng Sitim.

Ipaghihiganti ko ang lahat ng nasawi; paparusahan ko ang sinumang nagkasala. Ang Juda at ang Jerusalem ay pananahanan magpakailanman, at ako ay mananatili sa Bundok ng Zion.”

Kahit tapos na ang panahon ng pitasan ng prutas at panahon ng muling pagtatanim ay gumigiik pa kayo. Sasagana kayo sa pagkain at mamumuhay nang panatag.

Si Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon, siya na humipo sa lupa at iyon ay natutunaw, at ang lahat ng naroon ay nagdadalamhati. Dahil dito'y ang buong lupain ay tumataas gaya ng Ilog Nilo, at bumababa gaya ng ilog sa Egipto.

“Hindi ba sinasabi ninyo, ‘Apat na buwan pa at anihan na’? Sinasabi ko naman sa inyo, masdan ninyo ang mga bukid, hinog na ang trigo at handa nang anihin.

Nayanig ang mga bundok sa harapan ni Yahweh, na nasa Zion, sa harapan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.

Sundan mo kami:

Mga patalastas

Mga patalastas