Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




2 Samuel 22:44 - Magandang Balita Bible (Revised)

44 “Sa mga naghimagsik, ako'y iyong iniligtas, pamamahala sa mga bansa sa aki'y iniatas; at marami pang ibang sumuko't nabihag.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

44 Iniligtas mo rin ako sa mga pakikipagtalo sa aking bayan: Iningatan mo ako na maging pangulo sa mga bansa; Ang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

44 “Iniligtas mo ako sa mga alitan sa aking bayan; iningatan mo ako bilang puno ng mga bansa; naglingkod sa akin ang mga taong hindi ko kilala.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

44 Iniligtas mo rin ako sa mga pakikipagtalo sa aking bayan: Iningatan mo ako na maging pangulo sa mga bansa; Ang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

44 “Sa mga naghimagsik, ako'y iyong iniligtas, pamamahala sa mga bansa sa aki'y iniatas; at marami pang ibang sumuko't nabihag.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

44 “Sa mga naghimagsik, ako'y iyong iniligtas, pamamahala sa mga bansa sa aki'y iniatas; at marami pang ibang sumuko't nabihag.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

44 Iniligtas nʼyo ako Panginoon sa mga rebelde kong mamamayan. Ginawa nʼyo akong pinuno ng mga bansa. Ang mga taga-ibang lugar ay sumusunod sa akin.

Tingnan ang kabanata Kopya




2 Samuel 22:44
26 Mga Krus na Reperensya  

Buong galak na tinanggap ng mga taga-Juda ang balitang ito, kaya't ipinasundo nila si Haring David at ang lahat ng mga kasama niya.


At ganito ang naging usapan sa buong lupain: “Iniligtas tayo ni Haring David sa lahat nating kaaway, at pinalaya sa mga Filisteo. Ngunit dahil kay Absalom, napilitan siyang umalis.


Pumasok siya sa kabayanan, at palibhasa'y matalino, sumang-ayon sa kanya ang mga taong-bayan sa kanyang binabalak. Pinugutan nila ng ulo si Seba at inihagis ito kay Joab. Hinipan naman ni Joab ang trumpeta kaya't ang lunsod ay iniwan na ng kanyang mga kawal at sila'y nagsiuwian na. Si Joab nama'y bumalik sa Jerusalem at nagpunta sa hari.


Tumagal ang digmaan sa pagitan ng mga tauhan nina David at ng angkan ni Saul. Lumakas nang lumakas ang pangkat ni David samantalang patuloy namang humina ang angkan ni Saul.


Nagkaisa ang lahat ng lipi ng Israel na pumunta sa Hebron upang makipagkita kay David. Sinabi nila, “Kami'y laman ng iyong laman at dugo ng iyong dugo.


Siya'y hukom na hahatol sa lahat ng mga bansa; sa labanang walang puknat, marami ang malalagas! Sapagkat ang mga hari'y lulupigin niyang lahat.


Sa mapanghimagsik na bayan ako'y iniligtas mo, sa maraming bansa'y ginawa mo akong pangulo. Ang aking nasasakupan ngayo'y marami na, kahit na nga sila ay hindi ko kilala.


Hingin mo ang mga bansa't ibibigay ko sa iyo, maging ang buong daigdig ay ipapamana ko.


Masdan ninyo! Ginawa ko siyang saksi sa mga bansa, pinuno at tagapagmana sa mga bayan.


Iyong tatawagin ang mga bansang hindi mo kilala, mga bansang hindi ka kilala'y sa iyo pupunta. Darating sila alang-alang sa iyong Diyos na si Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel, sapagkat pinaparangalan ka niya.”


Ngunit ang bansa o kahariang hindi maglilingkod sa iyo ay ganap na wawasakin.


Sinabi ni Yahweh: “Nakahanda akong sagutin ang panalangin ng aking bayan, ngunit hindi naman sila nananalangin. Nakahanda akong magpakita sa naghahanap sa akin, ngunit hindi naman sila naghahanap. Sinasabi ko sa bansang ayaw tumawag sa akin, ‘Narito ako upang ikaw ay tulungan.’


Binigyan siya ng kapamahalaan, ng karangalan at ng kaharian upang paglingkuran siya ng lahat ng tao sa bawat bansa at wika. Ang pamamahala niya ay hindi magwawakas, at ang kanyang kaharian ay hindi mawawasak.


Sa panahon ding iyon ay ibabalik ko ang mga Israelita sa kanilang lupain. Kahahabagan ko si Lo-ruhama, at sasabihin ko kay Lo-Ammi, ‘Ikaw ang aking Bayan’, at tutugon naman siya, ‘Ikaw ang aking Diyos.’”


Idinagdag pa ni Isaias, “May isisilang sa angkan ni Jesse, upang ito'y maghari sa mga Hentil; siya ang kanilang magiging pag-asa.”


Ganito ang sinasabi niya sa aklat ni Oseas, “Ang dating hindi ko bayan ay tatawaging ‘Bayan ko,’ at ang dating hindi ko mahal ay tatawaging ‘Mahal ko.’


Gagawin kayo ng Diyos ninyong si Yahweh na pinuno ng mga bansa, at hindi tagasunod. Uunlad kayo at hindi mabibigo kung susundin ninyong mabuti ang kanyang mga utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon.


Hinipan ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta at mula sa langit ay may malalakas na tinig na nagsabi, “Ang paghahari sa sanlibutan ay inilipat na kay Cristo na ating Panginoon. Maghahari siya magpakailanman!”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas