Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




2 Samuel 22:11 - Magandang Balita Bible (Revised)

11 Sakay ng kerubin mabilis lumipad; sa bilis ng hangin siya ay naglayag.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

11 At siya'y sumakay sa isang querubin at lumipad: Oo, siya'y nakita sa mga pakpak ng hangin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

11 Siya'y sumakay sa isang kerubin at lumipad; siya'y nakita sa mga pakpak ng hangin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

11 At siya'y sumakay sa isang querubin at lumipad: Oo, siya'y nakita sa mga pakpak ng hangin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

11 Sakay ng kerubin mabilis lumipad; sa bilis ng hangin siya ay naglayag.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

11 Sakay ng kerubin mabilis lumipad; sa bilis ng hangin siya ay naglayag.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

11 Kayoʼy sumakay sa isang kerubin, at mabilis na lumipad na dala ng hangin.

Tingnan ang kabanata Kopya




2 Samuel 22:11
13 Mga Krus na Reperensya  

Pinalayas nga siya ng Diyos. At sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay ang Diyos ng bantay na kerubin. Naglagay rin siya ng espadang nagniningas na umiikot sa lahat ng panig upang hindi malapitan ninuman ang punongkahoy ng buhay.


Pinangunahan niya ang buong hukbo at nagpunta sila sa Baale-Juda upang kunin ang Kaban ng Tipan na kumakatawan sa kaluwalhatian ni Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na nakaluklok sa ibabaw ng mga kerubin.


Ang ginawa mong tahanan ay ang tubig sa itaas, ang karo mong sinasakyan ay ang papawiring-ulap, sa pakpak ng mga hangin ay doon ka lumalakad.


kung ako ay makalipad, umiwas na pasilangan, o kaya ang tirahan ko'y ang duluhan ng kanluran;


Sa isang kerubin siya ay sumakay; sa papawirin mabilis na naglakbay.


Ang kasama'y libu-libong matitibay na sasakyan, galing Sinai, si Yahweh ay darating sa dakong banal.


Pastol ng Israel, ikaw na nanguna't umakay kay Jose, na tulad sa kawan, ikiling sa amin ang iyong pandinig, kami ay pakinggan; mula sa trono mong may mga kerubin, kami ay tulungan.


Si Yahweh ay naghahari kaya't sa takot ay, mga tao'y nanginginig, trono'y sa ibabaw ng mga kerubin, kaya daigdig ay nayayanig.


tig-isa sa magkabilang dulo. Ihihinang ang mga kerubin upang ito at ang Luklukan ng Awa ay maging iisang piraso.


Noon, ang kaluwalhatian ni Yahweh na nasa pagitan ng mga kerubin ay tumaas papunta sa pasukan ng Templo. Tinawag niya ang lalaking nakadamit ng telang lino at may panulat sa baywang.


Ano ang mga anghel, kung ganoon? Sila'y mga espiritung naglilingkod sa Diyos at mga isinugo upang tumulong sa mga maliligtas.


At kinuha nga nila sa Shilo ang Kaban ng Tipan, na kung saan si Yahweh ay nakaluklok sa trono sa ibabaw ng mga kerubin. Sumama sa kanila ang dalawang anak ni Eli na sina Hofni at Finehas.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas