Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




1 Samuel 1:10 - Magandang Balita Bible (Revised)

10 Buong pait na lumuluha si Ana at taimtim na nanalangin kay Yahweh.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

10 At siya'y nanalangin sa Panginoon ng buong paghihinagpis ng kaluluwa, at tumangis na mainam.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

10 Si Ana ay labis na nabagabag at nanalangin sa Panginoon.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

10 At siya'y nanalangin sa Panginoon ng buong paghihinagpis ng kaluluwa, at tumangis na mainam.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

10 Buong pait na lumuluha si Ana at taimtim na nanalangin kay Yahweh.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

10 Buong pait na lumuluha si Ana at taimtim na nanalangin kay Yahweh.

Tingnan ang kabanata Kopya




1 Samuel 1:10
22 Mga Krus na Reperensya  

Nainggit si Raquel sa kanyang kapatid sapagkat hindi siya magkaanak. Sinabi niya kay Jacob, “Mamamatay ako kapag hindi pa tayo nagkaanak.”


Pagsapit nila sa giikan sa Atad, sa silangan ng Ilog Jordan, huminto muna sila. Nagdaos sila roon ng luksang-parangal sa yumao, at pitong araw na nagdalamhati roon si Jose.


Nag-uusap pa sila'y dumating nga ang mga prinsipe na nag-iiyakan. Umiyak na rin ang hari at ang kanyang mga lingkod.


Hindi mo ba alam na ang mga tauhan ng iyong ama'y mga sanay na mandirigma? Mababangis silang tulad ng inahing osong inagawan ng anak. Sa talino ng iyong ama'y hindi iyon matutulog na kasama ng kanyang mga tauhan.


“Alalahanin po sana ninyo, Yahweh, na namuhay akong tapat sa inyo. Buong puso ko pong ginawa ang lahat ng bagay ayon sa iyong kagustuhan.” At buong kapaitang umiyak si Ezequias.


“Ako'y nagsasawa na sa buhay kong ito, sasabihin ko nang lahat, mapapait kong reklamo.


Kaya ako'y hindi mapipigil na magbuka nitong bibig, upang ibulalas ang pait sa loob ng aking dibdib.


Ang hininga ko ay halos kanya nang lagutin, puro kapaitan ang idinulot niya sa akin.


Kung kayo ay may bagabag, ako lagi ang tawagin; kayo'y aking ililigtas, ako'y inyong pupurihin.”


Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.


Walang makikihati sa kabiguan ng tao, gayon din naman sa ligayang nadarama nito.


Ano pa ang aking masasabi? Ang may gawa nito ay ikaw, ngunit masakit ang aking kalooban, at hindi ako makatulog.


Israel, ang katulad mo'y asawang iniwan at ngayo'y nagdurusa, isang babaing maagang nag-asawa at pagkatapos ay itinakwil. Ngunit pinababalik ka ngayon ni Yahweh at sa iyo'y sinasabi,


Ngunit kung hindi kayo makikinig, palihim akong tatangis dahil sa inyong kapalaluan; buong kapaitan akong iiyak, at tutulo ang aking mga luha sapagkat nabihag ang bayan ko.


Huwag ninyong iyakan ang isang taong patay, o ikalungkot ang kanyang kamatayan. Sa halip, tangisan ninyo si Sallum, sapagkat siya'y dinalang-bihag, at hindi na magbabalik. Hindi na niya makikita pa ang lupang kanyang sinilangan.


Pawang kapaitan at kalungkutan ang ipinalasap niya sa akin.


Dala ng matinding hinagpis, siya'y nanalangin nang lalong taimtim, at pumatak sa lupa ang kanyang pawis na parang malalaking patak ng dugo.]


Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa lupa, siya'y nanalangin at lumuluhang nakiusap sa Diyos na makakapagligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya ng Diyos dahil lubusan siyang nagpakumbabá.


Pagkaraan niyon, pumunta sila sa Bethel, at malungkot na humarap kay Yahweh. Hanggang gabi silang nakaupo roon, at buong kapaitang nanangis.


Sumagot naman si Naomi, “Huwag na ninyo akong tawaging Naomi. Tawagin ninyo akong Mara, sapagkat ako'y pinabayaang magdusa ng Makapangyarihang Diyos.


Ganito ang kanyang panalangin: “Yahweh, Diyos na Makapangyarihan sa lahat, kung papakinggan ninyo ang inyong abang lingkod at inyo pong kahahabagan, kung hindi ninyo ako pababayaan, sa halip ay pagkakalooban ng isang anak na lalaki, ihahandog ko siya sa inyo at habang buhay na siya'y nakalaan sa inyo; hindi ko ipapaputol ang kanyang buhok.”


Minsan, matapos silang kumain sa Shilo, malungkot na pumunta si Ana at nanalangin sa bahay ni Yahweh. Nagkataong nakaupo sa may pintuan ng bahay ni Yahweh ang paring si Eli.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas