Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -

Zefanias 3:6 - Ang Salita ng Dios

6 Sinabi ng Panginoon, “Nilipol ko ang mga bansa; giniba ko ang kanilang mga lungsod pati ang kanilang mga pader at mga tore. Wala nang natirang mga mamamayan, kaya wala nang makikitang taong naglalakad sa kanilang mga lansangan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

6 Ako'y naghiwalay ng mga bansa; ang kanilang mga kuta ay sira; aking iniwasak ang kanilang mga lansangan, na anopa't walang makaraan; ang kanilang mga bayan ay giba, na anopa't walang tao, na anopa't walang tumatahan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

6 “Ako'y nag-alis ng mga bansa; ang kanilang mga kuta ay sira. Aking winasak ang kanilang mga lansangan, na anupa't walang dumaraan sa mga iyon; ang kanilang mga lunsod ay giba, kaya't walang tao, walang naninirahan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

6 Ako'y naghiwalay ng mga bansa; ang kanilang mga kuta ay sira; aking iniwasak ang kanilang mga lansangan, na anopa't walang makaraan; ang kanilang mga bayan ay giba, na anopa't walang tao, na anopa't walang tumatahan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

6 “Nilipol ko na ang mga bansa; winasak ko na ang kanilang mga tore at kuta. Sinira ko na ang kanilang mga lansangan, kaya't wala ni isa mang doo'y dumaraan. Giba na ang mga lunsod nila, wala nang naninirahan doon,” sabi ni Yahweh.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

Magandang Balita Bible (Revised)

6 “Nilipol ko na ang mga bansa; winasak ko na ang kanilang mga tore at kuta. Sinira ko na ang kanilang mga lansangan, kaya't wala ni isa mang doo'y dumaraan. Giba na ang mga lunsod nila, wala nang naninirahan doon,” sabi ni Yahweh.

Tingnan ang kabanata Kopya

Zefanias 3:6
19 Mga Krus na Reperensya  

Ito ang binabalak kong gawin sa buong mundo. Ganito ang parusang ipapakita ko sa lahat ng bansa.”

Pumunta ang anghel ng Panginoon sa kampo ng Asiria at pinatay niya ang 185,000 kawal. Kinaumagahan, paggising ng mga natitirang buhay, nakita nila ang napakaraming bangkay.

Nagtanong ako, “Panginoon, gaano katagal?” Sumagot siya, “Hanggang sa mawasak ang mga lungsod ng Israel at wala nang manirahan dito. Hanggang sa wala nang tumira sa mga bahay at ang lupain ay maging tiwangwang at wasak.

Nagtanong ako sa Panginoon, “Sino pong marunong na tao ang makakaunawa sa mga pangyayaring ito? Kanino nʼyo po ipinaliwanag ang tungkol dito para maipaliwanag ito sa mga tao? Bakit po nawasak ang lupaing ito at naging parang ilang na hindi na dinadaanan?”

Wawasakin ko ang inyong mga lungsod at mga sambahan. At hindi ko na nanaisin ang mabangong samyo ng inyong mga handog.

Nakakaawa kayong mga Filisteo na nakatira sa tabing-dagat. Ito ang sinasabi ng Panginoon laban sa inyo: “Kayong mga Filisteo sa Canaan, lilipulin ko kayo, at walang matitira sa inyo.”

Para akong buhawing nagpangalat sa kanila sa ibaʼt ibang lugar na hindi pa nila napupuntahan. Iniwanan nila ang kanilang magandang lupain na hindi na mapapakinabangan at hindi na rin matitirhan.”

Kaya bahala na kayo sa sarili ninyo.

Ang mga bagay na itoʼy nangyari bilang halimbawa sa atin, at isinulat upang magsilbing babala sa ating mga nabubuhay sa panahong nalalapit na ang katapusan ng lahat.

Ang mga nangyaring iyon sa kanila ay nagsisilbing aral sa atin para mabigyan tayo ng babala upang hindi tayo hindi tayo maghangad ng masasamang bagay tulad ng ginawa nila.

Pinaghati-hati ko na sa inyo bilang mana ng mga lahi nʼyo ang lahat ng lupain ng mga bansang nasakop natin, mula sa Ilog ng Jordan sa silangan hanggang sa Dagat ng Mediteraneo sa kanluran, pati na rin ang mga lupain ng mga bansang hindi pa natin nasasakop.

Sundan mo kami:

Mga patalastas

Mga patalastas