Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Zefanias 3:16 - Ang Salita ng Dios

16 Sa araw na iyon, sasabihin ng mga tao sa mga taga-Jerusalem, “Mga mamamayan ng Zion, huwag kayong matakot; magpakatatag kayo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

16 Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem; Huwag kang matakot; Oh Sion, huwag manghina ang iyong mga kamay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

16 Sa araw na iyon ay sasabihin sa Jerusalem; “Huwag kang matakot; O Zion, huwag manghina ang iyong mga kamay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

16 Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem; Huwag kang matakot; Oh Sion, huwag manghina ang iyong mga kamay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

16 Sa araw na iyon ay sasabihin sa Jerusalem, “Huwag kang matakot, Zion; huwag kang panghinaan ng loob.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

16 Sa araw na iyon ay sasabihin sa Jerusalem, “Huwag kang matakot, Zion; huwag kang panghinaan ng loob.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

16 Sa araw na iyon ay sasabihin sa Jerusalem, “Huwag kang matakot, Zion; huwag kang panghinaan ng loob.

Tingnan ang kabanata Kopya




Zefanias 3:16
21 Mga Krus na Reperensya  

Noon, pinapayuhan mo ang maraming tao na magtiwala sa Dios, at pinalalakas ang mahihina at nanlulupaypay.


Kapag itoʼy nangyari na, sasabihin ng mga tao, “Siya ang ating Dios! Nagtiwala tayo sa kanya, at iniligtas niya tayo. Siya ang Panginoon na ating inaasahan. Magalak tayoʼt magdiwang dahil iniligtas niya tayo.”


Kayong mga nagdadala ng magandang balita sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem, umakyat kayo sa mataas na bundok, at isigaw ninyo ang magandang balita. Huwag kayong matakot, sabihin ninyo sa mga bayan ng Juda na nandiyan na ang kanilang Dios.


Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.


Ako, ang Panginoon, na lumikha at tumutulong sa iyo. Huwag kang matakot, ikaw na aking lingkod at pinili ko.


Huwag kang matakot dahil hindi ka mapapahiya. Malilimutan mo na ang kahihiyan ng iyong kabataan at pagkabalo.


Hindi dapat matakot ang lupain ng Juda, sa halip dapat itong magalak dahil sa kamangha-manghang ginawa ng Panginoon.


Mga taga-Juda at taga-Israel, isinusumpa kayo ng ibang mga bansa. Ngunit ililigtas ko kayo at magiging pagpapala kayo sa kanila. Kaya huwag kayong matakot, sa halip magpakatatag kayo.”


Ngunit napagpasyahan ko ngayon na muling maging mabuti sa Jerusalem at Juda. Kaya huwag kayong matakot.


Kinabukasan, nabalitaan ng maraming tao na dumalo sa pista na papunta si Jesus sa Jerusalem.


Dahil sa awa ng Dios, pinili niya kami para ipahayag ang kanyang bagong pamamaraan sa pagpapawalang-sala sa mga tao, kaya naman hindi kami pinanghihinaan ng loob.


Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.


Kaya huwag sana kayong panghinaan ng loob dahil sa mga paghihirap na dinaranas ko, dahil para ito sa ikabubuti ninyo.


Kaya palakasin ninyo ang sarili nʼyo at patibayin ang inyong loob.


Tiniis ninyo ang mga kahirapan dahil sa pananampalataya ninyo sa akin, at hindi kayo nanghina.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas