Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Zefanias 3:11 - Ang Salita ng Dios

11 “Sa araw na iyon, kayong mga taga-Jerusalem ay hindi na mapapahiya sa lahat ng mga kasalanang ginawa ninyo sa akin, dahil aalisin ko sa inyo ang mga mapagmataas at mayayabang. Kaya wala nang magyayabang doon sa aking banal na bundok.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

11 Sa araw na yao'y hindi ka mapapahiya ng dahil sa lahat ng iyong gawa, na iyong isinalangsang laban sa akin; sapagka't kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong nangagpapalalong nagsasaya, at hindi ka na magpapalalo pa sa aking banal na bundok.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

11 “Sa araw na iyon ay hindi ka mapapahiya ng dahil sa mga gawa, na iyong ipinaghimagsik laban sa akin; sapagkat kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong mga taong nagsasayang may pagmamataas, at hindi ka na magmamalaki pa sa aking banal na bundok.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

11 Sa araw na yao'y hindi ka mapapahiya ng dahil sa lahat ng iyong gawa, na iyong isinalangsang laban sa akin; sapagka't kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong nangagpapalalong nagsasaya, at hindi ka na magpapalalo pa sa aking banal na bundok.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

11 “Sa araw na iyon ay hindi na kayo mapapahiya sa ginawa ninyong paghihimagsik sa akin, sapagkat aalisin ko ang mga mapagmataas, at hindi na kayo maghihimagsik sa aking banal na bundok.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

11 “Sa araw na iyon ay hindi na kayo mapapahiya sa ginawa ninyong paghihimagsik sa akin, sapagkat aalisin ko ang mga mapagmataas, at hindi na kayo maghihimagsik sa aking banal na bundok.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

11 “Sa araw na iyon ay hindi na kayo mapapahiya sa ginawa ninyong paghihimagsik sa akin, sapagkat aalisin ko ang mga mapagmataas, at hindi na kayo maghihimagsik sa aking banal na bundok.

Tingnan ang kabanata Kopya




Zefanias 3:11
29 Mga Krus na Reperensya  

Panginoon, akoʼy hindi hambog o mapagmataas. Hindi ko hinahangad ang mga bagay na napakataas na hindi ko makakayanan.


Bakit ako matatakot kung may darating na panganib, o kung akoʼy mapaligiran ng aking mga kaaway?


Nagkakasala sila dahil sa kasamaan ng kanilang sinasabi. Mahuli sana sila sa kanilang kayabangan. Nagmumura sila at nagsisinungaling,


Walang mamiminsala o gigiba sa Zion, ang banal kong bundok. Sapagkat magiging laganap sa buong mundo ang pagkilala sa Panginoon katulad ng karagatan na puno ng tubig.


Sapagkat nagtakda ang Panginoong Makapangyarihan ng araw kung kailan niya ibabagsak ang mga mayayabang at mapagmataas, at ang mga nag-aakalang silaʼy makapangyarihan.


Pero ang Israel ay ililigtas nʼyo, Panginoon, at ang kaligtasan nila ay walang hanggan. Hindi na sila mapapahiya kahit kailan.


Kaya ibabagsak ang lahat ng tao, lalo na ang mga mapagmataas.


Huwag kang matakot dahil hindi ka mapapahiya. Malilimutan mo na ang kahihiyan ng iyong kabataan at pagkabalo.


Dadalhin ko sila sa aking banal na bundok at aaliwin doon sa aking templong dalanginan. Tatanggapin ko sa aking altar ang kanilang mga handog na sinusunog at iba pang mga handog, dahil ang templo koʼy tatawaging templong dalanginan ng mga tao mula sa lahat ng bansa.”


Sa halip na kahihiyan, dodoble ang matatanggap ninyong pagpapala sa inyong lupain at talagang masisiyahan kayo sa matatanggap ninyo. Magiging maligaya kayo magpakailanman.


Huwag kayong palilinlang sa mga taong paulit-ulit na sinasabing walang panganib na mangyayari sa inyo dahil nasa atin ang templo ng Panginoon.


Sapagkat doon sa banal kong bundok, sa mataas na bundok ng Israel, ang buong mamamayan ng Israel ay maglilingkod sa akin. Doon ko kayo tatanggapin at hihilingin na mag-alay kayo sa akin ng ibaʼt ibang handog at mabuting mga kaloob.


Kaya, Panginoon, ayon sa inyong ginagawang matuwid, nakikiusap ako na alisin nʼyo na ang inyong galit sa Jerusalem, ang inyong lungsod at banal na bundok. Dahil sa aming kasalanan at sa kasalanan ng aming mga ninuno, hinamak kami at ang Jerusalem ng mga taong nakapaligid sa amin.


Patuloy akong nananalangin at sinasabi ang aking kasalanan at ang kasalanan ng aking mga kababayang Israelita. Nagmakaawa ako sa Panginoon kong Dios alang-alang sa kanyang banal na bundok.


Humahatol kayo panig sa mga nagbibigay ng suhol sa inyo. At kayong mga pari ay nagpapabayad sa pagtuturo. Ganoon din kayong mga propeta, nanghuhula kayo dahil sa pera. Umaasa rin kayong tutulungan kayo ng Panginoon, dahil ayon sa inyo, “Kasama namin ang Panginoon. Kaya walang anumang masamang mangyayari sa amin.”


Pumunta silang lahat kina Moises at Aaron, at sinabi, “Sobra na ang ginagawa nʼyo sa amin, ang buong sambayanan ay banal at nasa gitna nila ang presensya ng Panginoon, kaya bakit ninyo ginagawang mas mataas ang inyong sarili ng higit sa aming lahat?”


Huwag ninyong isipin na hindi kayo mapaparusahan dahil mula kayo sa lahi ni Abraham. Tandaan ninyo: kahit ang mga batong itoʼy magagawa ng Dios na maging mga anak ni Abraham.


Sinasabi ninyo na mga Judio kayo, nagtitiwala kayo sa Kautusan at ipinagmamalaki ang inyong kaugnayan sa Dios.


Gaya nga ng sinabi ng Dios sa Kasulatan, “Maglalagay ako sa Zion ng batong naging katitisuran sa mga tao, at nakakapagpadapa sa kanila. Pero hindi mapapahiya ang mga sumasampalataya sa kanya.”


Sapagkat sinasabi ng Dios sa Kasulatan, “May pinili akong maghahari sa Zion. Tulad niyaʼy mahalagang bato na ginawa kong pundasyon. Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas