Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Micas 7:7 - Ang Salita ng Dios

7 Pero para sa akin, magtitiwala ako sa Panginoon na aking Dios. Maghihintay ako sa kanya na magliligtas sa akin, at tiyak na ako ay kanyang diringgin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

7 Nguni't sa ganang akin, ako'y titingin sa Panginoon; ako'y maghihintay sa Dios ng aking kaligtasan: didinggin ako ng aking Dios.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

7 Ngunit sa ganang akin, ako'y titingin sa Panginoon; ako'y maghihintay sa Diyos ng aking kaligtasan; papakinggan ako ng aking Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

7 Nguni't sa ganang akin, ako'y titingin sa Panginoon; ako'y maghihintay sa Dios ng aking kaligtasan: didinggin ako ng aking Dios.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

7 Ngunit para sa akin, kay Yahweh ako mananalig. Hihintayin kong may pagtitiwala ang Diyos na magliligtas sa akin at ako'y kanyang diringgin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

7 Ngunit para sa akin, kay Yahweh ako mananalig. Hihintayin kong may pagtitiwala ang Diyos na magliligtas sa akin at ako'y kanyang diringgin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

7 Ngunit para sa akin, kay Yahweh ako mananalig. Hihintayin kong may pagtitiwala ang Diyos na magliligtas sa akin at ako'y kanyang diringgin.

Tingnan ang kabanata Kopya




Micas 7:7
33 Mga Krus na Reperensya  

Pagkatapos, sinabi ni Jacob, “O Panginoon, naghihintay po ako sa inyong pagliligtas.”


Kahit nakikipagkaibigan ako sa kanila ay kinakalaban pa rin nila ako, ngunit ipinapanalangin ko pa rin sila.


Panginoon, akoʼy naghihintay sa inyo, at umaasa sa inyong mga salita.


Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan, dahil kayo ang Dios na aking tagapagligtas. Kayo ang lagi kong inaasahan.


Pumanatag ka sa piling ng Panginoon, at matiyagang maghintay sa gagawin niya. Huwag mong kaiinggitan ang masasama na gumiginhawa, kahit pa magtagumpay ang masasamang plano nila.


Dahil naghihintay pa rin ako sa inyo, Panginoon. Kayo, Panginoon na aking Dios, sasagutin nʼyo ako.


Tumawag kayo sa akin sa oras ng inyong kagipitan. At ililigtas ko kayo at akoʼy pararangalan ninyo.”


Sa inyo lalapit ang lahat ng tao, dahil dinidinig nʼyo ang mga panalangin.


Habang buhay na ba kayong magagalit sa amin, hanggang sa aming mga salinlahi?


Kayo, O Dios ang aking Tagapagligtas. Magtitiwala po ako sa inyo at hindi matatakot. Kayo, Panginoon, ang nagbibigay ng lakas sa akin, at kayo ang aking awit. Kayo nga ang nagligtas sa akin.”


Sa araw na iyon, lalapit na ang mga tao sa lumikha sa kanila, sa Banal na Dios ng Israel.


Kapag itoʼy nangyari na, sasabihin ng mga tao, “Siya ang ating Dios! Nagtiwala tayo sa kanya, at iniligtas niya tayo. Siya ang Panginoon na ating inaasahan. Magalak tayoʼt magdiwang dahil iniligtas niya tayo.”


“Lumapit kayo sa akin para maligtas kayo, kayong lahat sa buong mundo. Sapagkat ako ang Dios at maliban sa akin ay wala nang iba pa.


Magtitiwala ako sa Panginoon kahit na tinalikuran niya ang lahi ni Jacob. Sa kanya ako aasa.


Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang Panginoon ang lahat para sa akin, kaya sa kanya ako nagtitiwala.”


Kung talaga pong ganyan ang mangyayari, ililigtas kami ng Dios na aming pinaglilingkuran mula sa naglalagablab na hurno. Ililigtas niya kami mula sa inyong mga kamay.


Kaya kayong mga lahi ni Jacob, magbalik-loob na kayo sa Dios at ipakita ninyo ang pag-ibig at katarungan. At patuloy kayong magtiwala sa kanya.


Nanalangin si Joel: Panginoon, nananawagan po ako sa inyo, dahil natuyo na ang mga pastulan at ang lahat ng punongkahoy sa bukirin, na parang nilamon ng apoy.


Sinabi ni Habakuk, “Aakyat ako sa tore, sa aking bantayan at hihintayin ko kung ano ang sasabihin sa akin ng Panginoon at kung ano ang kanyang sagot sa aking hinaing.”


Isulat mo muna ito dahil hindi pa dumarating ang takdang panahon para mangyari ito. Ngunit hindi magtatagal at tiyak na mangyayari ito. Kahit magtagal nang kaunti, hintayin mo lang, dahil tiyak na mangyayari ito sa takdang panahon.”


Pero kung hindi niya dinungisan ang kanyang sarili, hindi siya masasaktan, at magkakaanak siya.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas