Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Panaghoy 3:24 - Ang Salita ng Dios

24 Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang Panginoon ang lahat para sa akin, kaya sa kanya ako nagtitiwala.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

24 Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

24 “Ang Panginoon ay aking bahagi,” sabi ng aking kaluluwa; “kaya't ako'y aasa sa kanya.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

24 Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

24 Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

24 Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

24 Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Panaghoy 3:24
25 Mga Krus na Reperensya  

Humingi sila ng tulong sa Dios nang nakipaglaban sila, at dahil nagtiwala sila sa kanya, tinugon ng Dios ang panalangin nila. Kaya pinagtagumpay sila ng Dios sa mga Hagreo at sa mga kakampi nito.


Tiyak na papatayin ako ng Dios; wala na akong pag-asa. Pero ipagtatanggol ko pa rin ang aking sarili sa kanya.


At ang Dios na Makapangyarihan ang ituring mong ginto at mamahaling pilak.


Kayo lang Panginoon, ang tangi kong kailangan. Akoʼy nangangakong susundin ang inyong mga salita.


Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon, dahil siyaʼy mapagmahal at laging handang magligtas.


Kaya tumawag ako sa inyo, Panginoon. Sinabi ko, “Kayo ang aking kanlungan, kayo lang ang kailangan ko rito sa mundo.”


Panginoon, kayo ang lahat sa aking buhay. Lahat ng pangangailangan koʼy inyong ibinibigay. Kinabukasan koʼy nasa inyong mga kamay.


Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob, kayong mga umaasa sa Panginoon.


Ngunit binabantayan ng Panginoon ang mga may takot sa kanya, sila na nagtitiwala sa kanyang pag-ibig.


Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag? Dapat magtiwala ako sa inyo. Pupurihin ko kayong muli, aking Dios at Tagapagligtas!


Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag? Dapat magtiwala ako sa inyo. Pupurihin ko kayong muli, aking Dios at Tagapagligtas!


Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag? Dapat magtiwala ako sa inyo. Pupurihin ko kayong muli, aking Dios at Tagapagligtas!


Kayong mga mamamayan ng Dios, magtiwala kayo sa kanya sa lahat ng oras! Sabihin sa kanya ang lahat ng inyong suliranin, dahil siya ang nag-iingat sa atin.


Ngunit ako, O Dios ay palaging aasa at lalo pang magpupuri sa inyo.


Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Dios, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.


O Panginoong Makapangyarihan, mapalad ang taong nagtitiwala sa inyo.


Kapag gulong-gulo ang isip ko, inaaliw nʼyo ako at akoʼy sumasaya.


Pero ang Dios ni Jacob ay hindi katulad ng mga iyon. Siya ang lumikha ng lahat ng bagay pati na ang Israel, ang mga taong hinirang niya –  Panginoong Makapangyarihan ang pangalan niya.


Pero ang Dios ni Jacob ay hindi katulad ng mga iyon. Siya ang lumikha ng lahat ng bagay pati na ang Israel, ang mga taong hinirang niya –  Panginoong Makapangyarihan ang pangalan niya.


Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na


Pero para sa akin, magtitiwala ako sa Panginoon na aking Dios. Maghihintay ako sa kanya na magliligtas sa akin, at tiyak na ako ay kanyang diringgin.


Sinabi naman ni Isaias, “Magmumula sa lahi ni Jesse ang isang mamumuno sa mga hindi Judio, at aasa sila sa kanya.”


Wala silang mamanahing lupain hindi tulad ng kapwa nila Israelita; ang Panginoon ang kanilang mana ayon sa ipinangako niya sa kanila.


Sa pamamagitan niya, sumasampalataya kayo sa Dios na muling bumuhay at nagparangal sa kanya. Kaya ang pananalig nʼyo ay sa Dios, at umaasa kayo sa kanya na muli niya rin kayong bubuhayin at pararangalan.


Sobrang nag-alala si David dahil masama ang loob ng kanyang mga tauhan sa pagkabihag ng mga asawaʼt anak nila, at balak nilang batuhin siya. Pero pinalakas siya ng Panginoon na kanyang Dios.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas