Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Panaghoy 3:2 - Ang Salita ng Dios

2 Pinalayas niya ako at pinalakad sa dilim sa halip na sa liwanag.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

2 Ako'y kaniyang pinatnubayan at pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

2 Itinaboy niya ako at dinala sa kadiliman, at hindi sa liwanag;

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

2 Ako'y kaniyang pinatnubayan at pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

2 Itinaboy niya ako sa lugar na wala kahit bahagyang liwanag.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

2 Itinaboy niya ako sa lugar na wala kahit bahagyang liwanag.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

2 Itinaboy niya ako sa lugar na wala kahit bahagyang liwanag.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Panaghoy 3:2
11 Mga Krus na Reperensya  

Palalayasin siya mula rito sa maliwanag na daigdig patungo sa madilim na lugar ng mga patay.


Ngunit nang ako naman ang umasang gawan ng mabuti, masama ang ginawa sa akin. Umasa ako ng liwanag pero dilim ang dumating sa akin.


Kaya nga hindi pa pinarurusahan ng Dios ang ating mga kaaway, at hindi pa natin natatamo ang tagumpay at katuwiran. Naghintay tayo ng liwanag pero dilim ang dumating, kaya lumalakad tayo sa dilim.


Parangalan nʼyo ang Panginoon na inyong Dios habang hindi pa niya ipinapadala ang kadiliman, at habang hindi pa kayo nadadapa sa madilim na mga bundok. Ang liwanag na inaasahan ninyoʼy gagawin niyang napakatinding kadiliman.


Tiningnan ko ang lupain at nakita kong itoʼy wala nang anyo at wala nang laman. At nakita ko ring ang langit ay wala nang liwanag.


Sa galit ng Panginoon, tinakpan niya ng makapal na ulap ang Jerusalem. Ibinagsak niya ang karangalan ng Israel, na parang itinapon mula sa langit papunta sa lupa. At dahil sa kanyang galit, pinabayaan niya ang kanyang templo sa Jerusalem.


Mangangapa kayo kahit na araw tulad ng isang bulag. Hindi kayo uunlad sa lahat ng ginagawa ninyo. Palagi kayong aapihin at pagnanakawan, at walang tutulong sa inyo.


At kung paanong nakikita ang bula ng malalakas na alon sa dagat, nakikita rin ang mga gawa nilang kahiya-hiya. Para rin silang mga ligaw na bituin. Itinakda sila ng Dios para sa napakadilim na lugar, at mananatili sila roon magpakailanman.


Alalahanin nʼyo rin ang mga anghel na hindi nanatili sa dati nilang kalagayan kundi iniwan ang kanilang lugar. Ginapos ng Dios ang mga iyon ng mga kadenang hindi mapuputol, at ikinulong sa napakadilim na lugar hanggang sa araw na hahatulan sila.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas