Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 9:1 - Ang Salita ng Dios

1 Ang karunungan ay katulad ng isang taong nagtayo ng kanyang bahay na may pitong haligi.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

1 Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay, kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi:

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

1 Itinayo ng karunungan ang kanyang bahay, ang kanyang pitong haligi ay kanyang inilagay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

1 Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay, Kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi:

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

1 Gumawa na ng tahanan itong karunungan, na itinayo niya sa pitong patibayan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

1 Gumawa na ng tahanan itong karunungan, na itinayo niya sa pitong patibayan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

1 Gumawa na ng tahanan itong karunungan, na itinayo niya sa pitong patibayan.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 9:1
17 Mga Krus na Reperensya  

Itinayo ni Huram ang mga haligi sa balkonahe ng templo. Ang haligi sa gawing timog ay tinawag niyang Jakin at ang haligi sa gawing hilaga ay tinawag niyang Boaz.


Ang isa pang gusali ay ang lugar na pinagtitipunan, na may maraming haligi. Ang haba nito ay 75 talampakan at ang luwang ay 45 talampakan. May balkonahe ito sa harapan, na may bubong at mga haligi.


Ang karunungan ay katulad ng isang mangangaral na nagsasalita sa mga lansangan, plasa, pamilihan, at mga pintuang bayan. Sinasabi niya,


Anak, tanggapin at ingatan mo sa iyong puso ang mga itinuturo at iniuutos ko sa iyo.


Sa pamamagitan ng karunungan, maitatayo mo at mapapaunlad ang iyong tahanan. Mapupuno rin ito ng mahahalagang kayamanan.


Anak, huwag mong kalilimutan ang mga itinuturo ko sa iyo. Ingatan mo sa iyong puso ang mga iniuutos ko,


Ang karunungan at pang-unawa ay katulad ng taong nangangaral.


Sinabi ng Panginoon, “Lumapit kayo, lahat kayong nauuhaw, narito ang tubig! Kahit wala kayong pera, lumapit kayo at kumain! Halikayo, kumuha kayo ng inumin at gatas ng walang bayad!


At ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw si Pedro, at sa batong ito, itatayo ko ang aking iglesya, at hindi ito malulupig kahit ng kapangyarihan ng kamatayan.


Kaya nang malaman ng mga kinikilalang pinuno ng iglesya, na sina Santiago, Pedro at Juan, na ipinagkaloob sa akin ng Dios ang gawaing ito, tinanggap nila kami ni Bernabe bilang mga kamanggagawa sa pangangaral ng Magandang Balita. Napagkasunduan namin na kami ang mangangaral sa mga hindi Judio, at sila naman ang mangangaral sa mga Judio.


kung sakaling maantala ako, alam mo na kung ano ang dapat ugaliin ng mga mananampalataya bilang pamilya ng Dios. Tayong mga mananampalataya ang iglesya ng buhay na Dios, ang haligi at saligan ng katotohanan.


Ang magtatagumpay ay gagawin kong parang haligi sa bahay ng aking Dios, at hindi na siya aalis doon. Isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Dios at ang pangalan ng lungsod ng Dios, ang bagong Jerusalem na bababa mula sa langit. Isusulat ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas