Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 4:18 - Ang Salita ng Dios

18 Ang pamumuhay ng taong matuwid ay parang sikat ng araw na lalong nagliliwanag habang tumatagal.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

18 Nguni't ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

18 Ngunit ang landas ng matuwid ay parang liwanag ng bukang-liwayway, na sumisikat ng higit at mas maliwanag hanggang maging ganap na araw.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

18 Nguni't ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, Na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

18 Ngunit ang daan ng matuwid, parang bukang-liwayway, tumitindi ang liwanag habang ito'y nagtatagal.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

18 Ngunit ang daan ng matuwid, parang bukang-liwayway, tumitindi ang liwanag habang ito'y nagtatagal.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

18 Ngunit ang daan ng matuwid, parang bukang-liwayway, tumitindi ang liwanag habang ito'y nagtatagal.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 4:18
25 Mga Krus na Reperensya  

tulad ng liwanag ng araw na sumisikat sa umaga na walang maitim na ulap, na nagpapakinang sa mga damo pagkatapos ng ulan!’


At ang buhay moʼy magiging mas maliwanag pa kaysa sa sikat ng araw sa katanghaliang tapat. At ang dati mong buhay na madilim ay magiging maliwanag na parang umaga.


Para sa kanila ang matuwid ay matatag ang pamumuhay at lalo pang nagiging matatag.


Ngunit alam niya ang ginagawa ko. Pagkatapos na masubukan niya ako, makikita niyang malinis ako tulad ng lantay na ginto.


Lalo silang lumalakas habang lumalakad hanggang ang bawat isa sa kanila ay makarating sa presensya ng Dios doon sa Zion.


Ang kabutihan ng Dios ay parang araw na sumisinag sa matutuwid at nagbibigay ito ng kagalakan sa kanila.


Ang buhay ng taong matuwid ay parang ilaw na maliwanag, ngunit ang buhay ng masama ay parang ilaw na namatay.


Ang taong marunong ay daan patungo sa buhay ang sinusundan at iniiwasan niya ang daan patungo sa kamatayan.


Kaya tularan mo ang pamumuhay ng mabubuting tao at mamuhay ka ng matuwid.


Kung makikinig ka sa akin, malalaman mo ang dapat mong gawin, ang tama, matuwid at nararapat.


Patag ang daan ng taong matuwid, at kayo, Panginoong matuwid, ang nagpatag nito.


Ang mga taong nakakaunawa ng katotohanan at nagtuturo sa mga tao na mamuhay nang matuwid ay magniningning na parang bituin sa langit magpakailanman.


Pagsikapan nating makilala ang Panginoon. Siyaʼy tiyak na darating, kasintiyak ng pagsikat ng araw. Darating siya na parang ulan na didilig sa mga lupain.”


“Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo. At ito ay makikita nga tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol na hindi maitago.


Ganoon din ang dapat ninyong gawin. Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit.”


Kung gagawin ninyo ito, magiging tunay na anak kayo ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat hindi lang sa mabubuting tao niya pinapasikat ang araw kundi pati na rin sa masasama. At hindi lang ang matutuwid ang binibigyan niya ng ulan kundi pati na rin ang mga hindi matuwid.


Muling nagsalita si Jesus sa mga tao, “Ako ang ilaw ng mundo. Ang sumusunod sa akin ay hindi na mamumuhay sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw na nagbibigay-buhay.”


At dahil naalis na ang takip sa ating isipan, nakikita na natin ang kapangyarihan ng Panginoon. At ang kapangyarihang ito ay mula sa Panginoon, na siyang Banal na Espiritu, ang siyang unti-unting bumabago sa atin hanggang tayoʼy maging katulad niya.


para maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Dios sa gitna ng mga mapanlinlang at masasamang tao sa panahong ito. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila


Dahil nga rito, lalong tumibay ang paniniwala namin sa mga ipinahayag ng mga propeta noon. Kaya nararapat lang na bigyan nʼyo ng pansin ang mga sinabi nila, dahil para itong ilaw na tumatanglaw sa madilim na lugar hanggang sa araw ng pagdating ng Panginoon. Tulad siya ng tala sa umaga na nagbibigay-liwanag sa isipan ninyo.


Sa halip, lumago kayo sa biyaya ng Dios at sa pagkakakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Purihin siya ngayon at magpakailanman! Amen.


Hindi na kailangan ang araw o ang buwan sa lungsod dahil ang kapangyarihan ng Dios ang nagbibigay ng liwanag, at ang Tupa ang ilaw doon.


Wala nang gabi roon, kaya hindi na kailangan ang mga ilawan o ang liwanag ng araw, dahil ang Panginoong Dios ang magiging ilaw nila. At maghahari sila magpakailanman.


Kaya malipol sana ang lahat ng kalaban mo, O Panginoon. Pero ang mga nagmamahal sana sa inyo ay matulad sana sa pagsikat ng araw na sobrang liwanag. At nagkaroon ng kapayapaan sa Israel sa loob ng 40 taon.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas