Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 4:13 - Ang Salita ng Dios

13 Huwag mong kalilimutan ang pagtutuwid ko sa iyong pag-uugali; ingatan mo ito sa puso mo sapagkat mabubuhay ka sa pamamagitan nito.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

13 Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: iyong ingatan; sapagka't siya'y iyong buhay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

13 Hawakan mong mabuti ang turo; huwag mong bitawan; siya'y iyong ingatan, sapagkat siya'y iyong buhay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

13 Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: Iyong ingatan: sapagka't siya'y iyong buhay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

13 Panghawakan mo nga ito at huwag pabayaan, ito ay ingatan mo pagkat siya'y iyong buhay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

13 Panghawakan mo nga ito at huwag pabayaan, ito ay ingatan mo pagkat siya'y iyong buhay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

13 Panghawakan mo nga ito at huwag pabayaan, ito ay ingatan mo pagkat siya'y iyong buhay.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 4:13
20 Mga Krus na Reperensya  

At sinabi ng tao, “Bitawan mo na ako dahil mag-uumaga na.” Pero sumagot si Jacob, “Hindi kita bibitawan hanggaʼt hindi mo ako babasbasan.”


Ang taong nakikinig sa pagtutuwid sa kanyang pag-uugali ay mapapabuti at hahaba ang buhay, ngunit ang taong hindi nakikinig ay maliligaw ng landas.


Pagsikapan mong mapasaiyo ang katotohanan, karunungan, magandang pag-uugali at pang-unawa. At huwag mo itong ipagpapalit sa kahit anumang bagay.


Mapalad ang taong may karunungan, dahil magbibigay ito ng mabuti at mahabang buhay.


Sapagkat ito ang magbibigay sa iyo ng mahaba at magandang buhay.


Sapagkat ang mga turo at utos ng iyong mga magulang ay katulad ng isang ilaw na tatanglaw sa iyo. At ang kanilang pagsaway sa iyo para ituwid ang ugali mo ay ikabubuti at ikahahaba ng buhay mo.


Sapagkat ang taong makakasumpong sa akin ay magkakaroon ng maganda at mahabang buhay, at pagpapalain siya ng Panginoon.


Hindi pa man ako nakakalayo sa kanila, nakita ko ang mahal ko. Hinawakan ko siya ng buong higpit at hindi binitiwan hanggang nadala ko siya sa bahay ng aking ina, doon sa silid kung saan ako nabuo.


Ang Banal na Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay mula sa Espiritu at nakakapagbigay-buhay.


Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Kayo lang ang may mensaheng nagbibigay ng buhay na walang hanggan.


Pagdating niya roon, natuwa siya dahil nakita niya ang mga kabutihang ginawa ng Dios sa mga tao roon. At pinayuhan niya sila na maging matapat at matatag sa kanilang pananampalataya sa Panginoon.


Naging masigasig sila sa pag-aaral ng mga itinuturo ng mga apostol, sa pagtitipon bilang magkakapatid, sa paghahati-hati ng tinapay, at sa pananalangin.


Hindi lang karaniwang salita ang mga utos na ito; magbibigay ito sa inyo ng buhay. Kung susundin ninyo ito, mabubuhay kayo nang matagal sa lupain na aangkinin ninyo sa kabila ng Jordan.”


Sa halip, suriin ninyong mabuti ang lahat para malaman kung galing ito sa Dios o hindi. Panghawakan nʼyo ang mabuti,


Kaya dapat nating panghawakang mabuti ang mga katotohanang narinig natin para hindi tayo maligaw.


Ngunit natalo na siya ng ating mga kapatid sa pamamagitan ng dugo ng Tupa at ng katotohanang ipinangangaral nila. Hindi sila takot na ialay ang kanilang buhay alang-alang sa kanilang pananampalataya.


Alam ko na kahit nakatira kayo sa lugar na hawak ni Satanas ay nananatili pa rin kayong tapat sa akin. Sapagkat hindi kayo tumalikod sa pananampalataya ninyo sa akin, kahit noong patayin si Antipas na tapat kong saksi riyan sa lugar ninyo na tirahan ni Satanas.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas