Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 22:7 - Ang Salita ng Dios

7 Ang mahihirap ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mayayaman, at ang nangungutang ay alipin ng nagpapautang.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

7 Ang mayaman ay magpupuno sa dukha, at ang manghihiram ay alipin ng nagpapahiram.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

7 Ang namumuno sa dukha ay ang mayaman, at ang nanghihiram ay alipin ng nagpapahiram.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

7 Ang mayaman ay magpupuno sa dukha, At ang manghihiram ay alipin ng nagpapahiram.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

7 Ang mahirap ay nasa kapangyarihan ng mayaman, ang nangangailangan ay alipin ng nagpapahiram.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

7 Ang mahirap ay nasa kapangyarihan ng mayaman, ang nangangailangan ay alipin ng nagpapahiram.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

7 Ang mahirap ay nasa kapangyarihan ng mayaman, ang nangangailangan ay alipin ng nagpapahiram.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 22:7
16 Mga Krus na Reperensya  

May isang biyuda na ang asawa ay kaanib noon sa grupo ng mga propeta. Isang araw, humingi siya ng tulong kay Eliseo. Sinabi niya, “Patay na po ang asawa ko na inyong lingkod at alam nʼyo kung gaano niya iginagalang ang Panginoon. Ngayon, ang tao po na pinagkakautangan niya ay dumating para kunin ang dalawa naming anak na lalaki upang gawing alipin bilang kabayaran sa utang.”


Ang nang-aapi ng mahihirap ay hinahamak ang Dios na lumikha sa kanila, ngunit ang nahahabag sa mahihirap ay pinararangalan ang Dios.


Nakikiusap ang dukha, ngunit ang mayaman ay masakit magsalita.


Ang nagreregalo sa mayaman o nang-aapi sa mahihirap para yumaman ay hahantong din sa karalitaan.


Huwag mong abusuhin ang mga mahihirap o apihin man sila sa mga hukuman,


Iisa ang sasapitin ng lahat: pari man o mamamayan, amo man o alipin, nagtitinda man o bumibili, nagpapautang man o umuutang.


Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Israel: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Israel, parurusahan ko sila. Sapagkat ipinagbibili nila bilang alipin ang mga taong walang kasalanan dahil lamang sa kanilang utang. Ginagawa rin nila ito sa mga mahihirap kahit na isang pares lang na sandalyas ang utang.


Kayong mga kilalang babae sa Samaria, para kayong mga baka ng Bashan na inaalagaan nang mabuti. Ginigipit ninyo at pinagmamalupitan ang mga mahihirap, at inuutusan pa ninyo ang inyong asawa ng ganito, “Kumuha ka ng alak at mag-inom tayo!” Kaya pakinggan ninyo itong


Makinig kayo, kayong mga nanggigipit sa mga mahihirap at nagtatangkang lipulin sila.


Nagmamadali kayong makapagbenta ng mga butil na hinaluan ng ipa, para makabili kayo ng taong dukha na ipinagbibiling alipin dahil hindi siya makabayad ng kanyang utang, kahit ang utang niya ay kasinghalaga lamang ng isang pares ng sandalyas.


Dahil hindi siya makabayad, iniutos ng hari na ipagbili siya bilang alipin, pati ang kanyang asawaʼt mga anak, at lahat ng ari-arian niya, para mabayaran ang kanyang utang.


Ngunit minamaliit nʼyo naman ang mga mahihirap. Hindi baʼt ang mga mayayaman ang nagpapahirap at nagpaparatang sa inyo?


Kayong mayayaman, makinig kayo! Umiyak kayoʼt maghinagpis dahil sa mga kahirapang darating sa inyo.


Pakinggan ninyo ang reklamo ng mga manggagawa laban sa inyo. Pinagtrabaho ninyo sila sa inyong bukirin pero hindi ninyo binigyan ng sahod. Nakarating na sa Panginoong Makapangyarihan ang mga hinaing nila.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas