Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 19:2 - Ang Salita ng Dios

2 Maging masigasig ka man ngunit walang nalalaman, wala rin itong kabuluhan. Kapag ikaw naman ay pabigla-bigla madali kang magkakasala.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

2 Gayon din ang kaluluwa na walang kaalaman ay hindi mabuti; at siyang nagmamadali ng kaniyang mga paa ay nagkakasala.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

2 Hindi mabuti para sa isang tao ang walang kaalaman, at siyang nagmamadali sa kanyang mga paa ay naliligaw.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

2 Gayon din ang kaluluwa na walang kaalaman ay hindi mabuti; At siyang nagmamadali ng kaniyang mga paa ay nagkakasala.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

2 Masugid man kung mangmang, walang mapapakinabang; ang kawalan ng tiyaga'y magbubulid sa kaguluhan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

2 Masugid man kung mangmang, walang mapapakinabang; ang kawalan ng tiyaga'y magbubulid sa kaguluhan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

2 Masugid man kung mangmang, walang mapapakinabang; ang kawalan ng tiyaga'y magbubulid sa kaguluhan.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 19:2
18 Mga Krus na Reperensya  

Pumunta sa bukid para kumuha ng mga gulay ang isa sa mga propeta. Nakakita siya roon ng gulay na gumagapang, at kumuha siya ng mga bunga nito hanggang mapuno ang damit niya. Pagkauwi, hiniwa-hiwa niya ito at inilagay sa palayok, pero hindi niya alam kung anong klaseng pananim ito.


Kung nagsinungaling man ako at nandaya,


Sapagkat mabilis sila sa paggawa ng masama at sa pagpatay ng tao.


Sa salita ng matuwid marami ang nakikinabang, ngunit ang mga hangal ay mamamatay dahil walang pang-unawa.


Ang mapagpasensya ay mas higit ang karunungan, ngunit ang madaling magalit ay nagpapakita ng kahangalan.


Ang gawaing plinanong mabuti at pinagsikapan ay patungo sa kaunlaran, ngunit ang gawaing padalos-dalos ay maghahatid ng karalitaan.


Huwag kang magpabigla-biglang magsabi sa korte ng iyong nakita. Kung mapatunayan ng isang saksi na mali ka, ano na lang ang gagawin mo?


Ang taong tapat ay sasagana sa pagpapala, ngunit ang taong nagmamadaling yumaman ay parurusahan.


Nagmamadaling yumaman ang taong sa pera ay gahaman, ngunit ang hindi niya alam patungo pala siya sa kahirapan.


Mas mabuti pa ang kahihinatnan ng mangmang kaysa sa taong pabigla-biglang magsalita.


Bukod sa pagiging marunong nitong mangangaral, itinuturo din niya sa mga tao ang lahat ng kanyang nalalaman. Pinag-aralan niyang mabuti ang mga kasabihang binanggit niya rito.


Huwag maging magagalitin dahil ang pagiging magagalitin ay ugali ng mga hangal.


At nang mabali at matuyo ang mga sanga, tinipon ito ng mga babae at ginawang panggatong. Dahil sa walang pang-unawa ang mga taong ito, hindi sila kaaawaan ng Dios na lumikha sa kanila.


Kaya ito ang sinabi ng Panginoong Dios: “Makinig kayo! Maglalagay ako ng batong pundasyon sa Zion, batong maaasahan, matibay, at mahalaga. Ang mga sumasampalataya sa kanya ay huwag maging padalos-dalos sa kanilang mga ginagawa.


“Napapahamak ang aking mga mamamayan dahil kulang ang kaalaman nila tungkol sa akin. Sapagkat kayo mismong mga pari ay tinanggihan ang kaalamang ito, kaya tinatanggihan ko rin kayo bilang mga pari ko. Kinalimutan ninyo ang Kautusan ko kaya kalilimutan ko rin ang mga anak ninyo.


Gagawin nila ang mga bagay na ito dahil hindi nila kilala ang Ama o ako.


Ako na rin ang makakapagpatunay na masigasig sila sa kanilang paglilingkod sa Dios, kaya nga lang ay hindi ayon sa katotohanan.


Ipinapanalangin ko na lalo pang lumago ang pagmamahal nʼyo sa isaʼt isa nang may karunungan at pang-unawa,


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas