Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 18:2 - Ang Salita ng Dios

2 Ang taong hangal ay hindi naghahangad na matuto; ang gusto lang niya ay masabi ang nasa isipan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

2 Ang mangmang ay walang kaluguran sa paguunawa, kundi maihayag lamang ang kaniyang puso.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

2 Ang hangal ay hindi nalulugod sa pang-unawa, kundi ang maihayag lamang ang sariling paniniwala.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

2 Ang mangmang ay walang kaluguran sa paguunawa, Kundi maihayag lamang ang kaniyang puso.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

2 Walang saysay sa mangmang ang lahat ng bagay, ang nais lang niya'y ipakitang siya'y may alam.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

2 Walang saysay sa mangmang ang lahat ng bagay, ang nais lang niya'y ipakitang siya'y may alam.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

2 Walang saysay sa mangmang ang lahat ng bagay, ang nais lang niya'y ipakitang siya'y may alam.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 18:2
14 Mga Krus na Reperensya  

“Kayong mga walang alam, hanggang kailan kayo mananatiling ganyan? Kayong mga nanunuya, hanggang kailan kayo matutuwa sa inyong panunuya? Kayong mga hangal, hanggang kailan ninyo tatanggihan ang karunungan?


Ang pagkatakot sa Panginoon na may paggalang ang simula ng karunungan. Ngunit sa hangal, walang halaga ang karunungan at ayaw niyang maturuan upang maituwid ang kanyang pag-uugali.


Hindi ipinagyayabang ng taong marunong ang kanyang nalalaman, ngunit ang hangal ay ibinibida ang kanyang kahangalan.


Ang taong marunong umunawa kung ano ang tama at mali ay pinag-iisipan muna ang isang bagay bago niya gawin, ngunit ang taong hangal ay hindi nag-iisip, ipinakikita niya ang kanyang kahangalan.


Walang kabuluhang pag-aralin ang taong hangal sapagkat hindi naman niya hinahangad ang matuto.


Ang paggawa ng kasamaan at nakakahiyang mga bagay ay makapagbibigay ng kahihiyan.


At kahit sa paglalakad ng hangal, nakikita ang kawalan niya ng karunungan at ipinapakita sa lahat ang kanyang kahangalan.


Kaya lumabas ang lahat ng tao sa bayan at pinuntahan si Jesus, at nakiusap sila na umalis siya sa lugar nila.


At dahil nga hinahangad naman ninyo ang mga kaloob ng Banal na Espiritu, pagsikapan ninyong matanggap ang mga kaloob na nagpapatibay sa iglesya.


Ngayon, tungkol naman sa mga pagkaing inialay sa mga dios-diosan, kung maaari ba natin itong kainin o hindi: Kahit marami na ang ating nalalaman, dapat nating tandaan na kung minsan ang kaalaman ay nagpapayabang sa tao. Mas mahalaga ang pagmamahalan, dahil itoʼy nakapagpapatatag sa atin.


Totoong may ilan diyan na nangangaral lang tungkol kay Cristo dahil naiinggit sila sa akin at gusto nilang ipakita na mas magaling sila kaysa sa akin. Ngunit may ilan din namang tapat ang hangarin sa pangangaral.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas