Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 17:5 - Ang Salita ng Dios

5 Ang kumukutya sa mahihirap ay inaalipusta ang kanyang Manlilikha. Ang taong nagagalak sa kapahamakan ng iba ay parurusahan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

5 Sinomang tumutuya sa dukha ay dumudusta sa Maylalang sa kaniya: at ang natutuwa sa kasakunaan ay walang pagsalang parurusahan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

5 Ang humahamak sa dukha ay lumalait sa kanyang Maylalang, at ang natutuwa sa kasawiang-palad ay walang pagsalang parurusahan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

5 Sinomang tumutuya sa dukha ay dumudusta sa May-lalang sa kaniya: At ang natutuwa sa kasakunaan ay walang pagsalang parurusahan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

5 Ang nanlalait sa mahirap ay humahamak sa Maykapal, at ang nagagalak sa kapahamakan ng iba'y mayroon ding pananagutan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

5 Ang nanlalait sa mahirap ay humahamak sa Maykapal, at ang nagagalak sa kapahamakan ng iba'y mayroon ding pananagutan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

5 Ang nanlalait sa mahirap ay humahamak sa Maykapal, at ang nagagalak sa kapahamakan ng iba'y mayroon ding pananagutan.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 17:5
13 Mga Krus na Reperensya  

“Hindi ko ikinatuwa ang kapahamakan ng aking kaaway o ang pagsapit sa kanila ng kahirapan.


Dahil sa labis-labis na pagpapahalaga ko sa inyong templo, halos mapahamak na ako. Tuwing iniinsulto kayo ng mga tao, nasasaktan din ako.


Ang humahamak sa kapwa ay nagkakasala, ngunit ang tumutulong sa dukha ay pinagpapala.


Ang nang-aapi ng mahihirap ay hinahamak ang Dios na lumikha sa kanila, ngunit ang nahahabag sa mahihirap ay pinararangalan ang Dios.


Kinasusuklaman ng Panginoon ang mayayabang at tiyak na silaʼy parurusahan.


O Panginoon, hindi po ako naging pabaya sa gawain ko bilang tagapagbantay ng mga mamamayan ninyo. Hindi ko po hinangad na ipahamak nʼyo sila. Alam po ninyo ang mga sinabi ko.


Sabihin mo sa kanyang mga mamamayan na makinig sa akin, dahil ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi: Dahil natuwa kayo nang gibain ang aking templo, nang wasakin ang Israel at bihagin ang mga taga-Juda,


“Dahil sa inyong pagmamalupit sa mga lahi ni Jacob, na inyong kalahi, malalagay kayo sa kahihiyan at lilipulin magpakailanman.


Kung paanong pinarusahan ang aking mga mamamayan sa aking banal na bundok, parurusahan din ang lahat ng bansa. Matinding parusa ang ibibigay ko sa kanila hanggang malipol silang lahat.


Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makiramay kayo sa mga naghihinagpis.


Kung mayroon man sa atin ang nasa mabuting pamumuhay at nakikita ang isang kapatid na nangangailangan ngunit hindi naman niya ito tinutulungan, masasabi ba natin na sumasakanya ang pag-ibig ng Dios?


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas