Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 13:4 - Ang Salita ng Dios

4 Ang taong tamad hindi makukuha ang hinahangad, ngunit ang taong masipag ay magkakaroon ng higit pa sa kanyang hinahangad.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

4 Ang tamad ay nagnanasa, at walang anoman: nguni't ang kaluluwa ng masipag ay tataba.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

4 Ang kaluluwa ng tamad ay nagnanasa at walang nakukuha, ngunit ang kaluluwa ng masipag ay tutustusang sagana.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

4 Ang tamad ay nagnanasa, at walang anoman: Nguni't ang kaluluwa ng masipag ay tataba.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

4 Ang tamad ay nangangarap ngunit hindi natutupad, ang hangarin ng masikap ay laging nagaganap.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

4 Ang tamad ay nangangarap ngunit hindi natutupad, ang hangarin ng masikap ay laging nagaganap.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

4 Ang tamad ay nangangarap ngunit hindi natutupad, ang hangarin ng masikap ay laging nagaganap.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 13:4
26 Mga Krus na Reperensya  

Sa araw ding iyon, dumating ang mga alipin ni Isaac at ibinalita sa kanya na may tubig ang balong hinukay nila.


lumalago at namumunga kahit matanda na, berdeng-berde ang mga dahon at nananatiling matatag.


Nagpapahirap ang katamaran, ngunit ang kasipagan ay nagpapayaman.


Ang taong mapagbigay ay magtatagumpay sa buhay; ang taong tumutulong ay tiyak na tutulungan.


Ang magsasakang masipag ay laging sagana sa pagkain, ngunit ang walang sapat na pang-unawa ay nagsasayang ng oras sa mga walang kabuluhang gawain.


Ang taong masipag ay magiging pinuno, ngunit ang tamad ay magiging alipin.


Hindi makakamit ng taong tamad ang kanyang hinahangad, ngunit ang taong masipag maganda ang hinaharap.


Ang taong maingat sa pagsasalita ay nag-iingat ng kanyang buhay. Ngunit ang taong madaldal, dulot sa sarili ay kapahamakan.


Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang taong masama ay gumagawa ng mga bagay na kahiya-hiya.


Ang taong tamad mag-araro sa panahon ng pagtatanim ay walang makukuha pagdating ng anihan.


Kung marami kang ninanais ngunit tamad kang magtrabaho, iyon ang sisira sa iyo.


Ang gawaing plinanong mabuti at pinagsikapan ay patungo sa kaunlaran, ngunit ang gawaing padalos-dalos ay maghahatid ng karalitaan.


Dumaan ako sa bukid ng taong tamad at mangmang.


Puno na ito ng mga damo at matitinik na halaman, at giba na ang mga bakod nito.


Ang batugan ay hindi lumalabas ng tahanan, ang kanyang dahilan ay may leon sa lansangan.


Ang taong sakim ay nagpapasimula ng kaguluhan, ngunit ang taong nagtitiwala sa Panginoon ay magtatamo ng kasaganaan.


Kayong mga tamad, tingnan ninyo at pag-aralan ang pamumuhay ng mga langgam upang matuto kayo sa kanila.


Mapalad ang taong laging sa akin nakatuon ang isip at naghihintay para makinig sa akin.


Pero sinabi ko, “Hinubad ko na ang aking damit, isusuot ko pa ba itong muli? Hinugasan ko na ang aking mga paa, dudumihan ko pa ba itong muli?”


Palagi ko kayong papatnubayan at bubusugin, kahit na mahirap ang kalagayan ninyo. Palalakasin ko kayo, at kayoʼy magiging parang halamanang sagana sa tubig at parang bukal na hindi nawawalan ng tubig.


Sino ba ang may kayang bumilang sa kanilang dami na tulad ng buhangin sa tabing-dagat? Mamatay sana ako na tulad ng matuwid na mga mamamayan ng Dios.”


Huwag kayong magtrabaho para lang sa pagkaing nasisira, kundi para sa pagkaing hindi nasisira at nakakapagbigay ng buhay na walang hanggan. Ako na Anak ng Tao ang siyang magbibigay sa inyo ng pagkaing ito, dahil ako ang binigyan ng Ama ng kapangyarihang magbigay nito.”


Nais naming patuloy na maging masigasig ang bawat isa sa inyo sa pag-asa nʼyo sa Dios hanggang sa wakas, para makamtan ninyo ang inaasahan ninyo.


Pagbalik nila, sinabi nila kay Josue, “Hindi kailangang lumusob tayong lahat sa Ai, dahil kaunti lang naman ang mga naninirahan doon. Magpadala ka lang ng 2,000 o kayaʼy 3,000 tao para lumusob doon.”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas