Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Gawa 9:1 - Ang Salita ng Dios

1 Patuloy pa rin ang pagbabanta ni Saulo sa buhay ng mga tagasunod ng Panginoon. Pinuntahan pa niya ang punong pari

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

1 Datapuwa't si Saulo, na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon, ay naparoon sa dakilang saserdote,

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

1 Samantala, si Saulo na may masidhing pagbabanta ng kamatayan laban sa mga alagad ng Panginoon ay pumunta sa pinakapunong pari.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

1 Datapuwa't si Saulo, na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon, ay naparoon sa dakilang saserdote,

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

1 Samantala, patuloy ang pagsisikap ni Saulo na maipapatay ang mga alagad ng Panginoon. Kaya't lumapit siya sa Pinakapunong Pari ng mga Judio

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

1 Samantala, patuloy ang pagbabanta ni Saulo na maipapatay ang mga alagad ng Panginoon. Lumapit siya sa Pinakapunong Pari ng mga Judio

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

1 Samantala, patuloy ang pagsisikap ni Saulo na maipapatay ang mga alagad ng Panginoon. Kaya't lumapit siya sa Pinakapunong Pari ng mga Judio

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Gawa 9:1
10 Mga Krus na Reperensya  

Huwag nʼyo akong ibigay sa aking mga kaaway, dahil akoʼy kanilang pinagbibintangan ng kasinungalingan, at nais nilang akoʼy saktan.


Kinaladkad nila si Esteban palabas ng lungsod at binato. Hinubad ng mga saksing laban kay Esteban ang kanilang balabal at iniwan sa isang binatang ang pangalan ay Saulo.


ay nagsumikap na wasakin ang iglesya. Kaya pinasok niya ang mga bahay-bahay at dinakip ang mga mananampalataya, lalaki man o babae, at dinala sa bilangguan.


Ako ang pinakahamak sa mga apostol at hindi nga ako karapat-dapat tawaging apostol dahil inusig ko ang iglesya ng Dios.


Alam naman ninyo ang dati kong pamumuhay noong kasapi ako sa relihiyon ng mga Judio. Inusig ko nang lubos ang iglesya ng Dios at sinikap ko itong lipulin.


Kung tungkol naman sa sigasig ng pagsunod ko sa relihiyon ng mga Judio, inusig ko ang iglesya. Walang maipipintas sa akin pagdating sa pagsunod sa Kautusan.


kahit na nilapastangan ko siya noong una. Bukod pa riyan, inusig at nilait ko ang mga sumasampalataya sa kanya. Ngunit kinaawaan ako ng Dios, dahil ginawa ko ito noong hindi pa ako sumasampalataya sa kanya at hindi ko alam ang ginagawa ko.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas