Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 85:2 - Ang Salita ng Dios

2 Pinatawad nʼyo ang kasamaan ng inyong mga mamamayan; inalis nʼyo ang lahat ng aming kasalanan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

2 Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan, iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

2 Pinatawad mo ang kasamaan ng iyong bayan, pinatawad mo ang lahat nilang kasalanan. (Selah)

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

2 Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan, Iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

2 Yaong kasamaan ng mga anak mo'y nilimot mong tunay, pinatawad sila sa nagawa nilang mga kasalanan. (Selah)

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

2 Yaong kasamaan ng mga anak mo'y nilimot mong tunay, pinatawad sila sa nagawa nilang mga kasalanan. (Selah)

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

2 Yaong kasamaan ng mga anak mo'y nilimot mong tunay, pinatawad sila sa nagawa nilang mga kasalanan. (Selah)

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 85:2
10 Mga Krus na Reperensya  

“Ito ang mensahe ni Haring Cyrus ng Persia: “Ibinigay sa akin ng Panginoon, ang Dios ng kalangitan, ang lahat ng kaharian dito sa mundo, at ipinagkatiwala niya sa akin ang pagpapatayo ng templo para sa kanya roon sa Jerusalem na sakop ng Juda.


Nang muling ibinalik ng Panginoon sa Zion ang mga nabihag, parang itoʼy panaginip lang.


Mapalad ang isang tao na ang mga pagsuway at mga kasalanan ay pinatawad at kinalimutan na ng Panginoon.


Ngunit naawa pa rin ang Dios sa kanila, pinatawad ang mga kasalanan nila at hindi sila nilipol. Maraming beses niyang pinigil ang kanyang galit kahit napakatindi na ng kanyang poot.


Sa mga araw na iyon, wala nang makikitang mga kasalanan at pagsuway sa mga natitirang mga mamamayan ng Israel at Juda dahil patatawarin ko na sila. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”


Wala na pong ibang Dios na tulad ninyo. Pinatawad nʼyo ang kasalanan ng mga natitirang mamamayan na pag-aari ninyo. Hindi kayo nananatiling galit magpakailanman dahil ikinagagalak nʼyong mahalin kami.


Ayon sa inyong dakilang pagmamahal, patawarin po ninyo ang mga kasalanan ng mga taong ito, gaya ng pagpapatawad ninyo sa kanila mula nang lumabas sila sa Egipto.”


Noong una, itinuring kayong mga patay ng Dios dahil sa mga kasalanan ninyo. Pero ngayon, binuhay kayo ng Dios kasama ni Cristo. Pinatawad niya ang lahat ng kasalanan natin.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas