Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 69:9 - Ang Salita ng Dios

9 Dahil sa labis-labis na pagpapahalaga ko sa inyong templo, halos mapahamak na ako. Tuwing iniinsulto kayo ng mga tao, nasasaktan din ako.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

9 Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay; at ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

9 Sapagkat ang pagmamalasakit sa iyong bahay ang sa aki'y umubos, at ang mga paghamak ng mga sa iyo'y humahamak sa akin ay nahulog.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

9 Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay; At ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

9 Ang malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban; ako ang nakaranas, paghamak sa iyong pangalan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

9 Ang malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban; ako ang nakaranas, paghamak sa iyong pangalan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

9 Ang malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban; ako ang nakaranas, paghamak sa iyong pangalan.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 69:9
11 Mga Krus na Reperensya  

Sumagot siya, “O Panginoon, Dios na Makapangyarihan, tapat po akong naglilingkod sa inyo. Pero itinakwil ng mga Israelita ang kasunduan nila sa inyo, winasak nila ang mga altar ninyo, at pinagpapatay ang mga propeta ninyo. Ako na lang po ang natira, at pinagsisikapan din nila akong patayin.”


At dahil sa kagustuhan kong maitayo ang templo ng aking Dios, ibibigay ko pati ang personal kong mga ginto at pilak, bukod pa ang mga materyales na naipon ko para sa banal na templo.


“Inilayo niya sa akin ang aking mga kamag-anak; at nilayuan na ako ng aking mga kakilala.


Labis ang aking galit dahil binalewala ng aking mga kaaway ang inyong mga salita.


Ang mga tao na gustong pumatay sa akin ay naglalagay ng bitag upang akoʼy hulihin. Ang mga gustong manakit sa akin ay nag-uusap na akoʼy ipahamak. Buong araw silang nagpaplano ng kataksilan.


Kaya lahat ng dumadaan sa kanyang kaharian ay nananamantala, pinagsasamsam ang mga kagamitan sa lungsod. Pinagtatawanan siya ng mga katabing bansa.


Maging si Cristo ay hindi hinangad ang sariling kapakanan, kundi ayon sa Kasulatan, “Nasaktan din ako sa mga pang-iinsultong ginawa sa inyo.”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas