Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 69:4 - Ang Salita ng Dios

4 Marami ang napopoot sa akin, mas marami pa sila kaysa sa aking buhok. Gusto nila akong patayin ng walang dahilan. Pinipilit nilang isauli ko ang mga bagay na hindi ko naman ninakaw.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

4 Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo: silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan: akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

4 Higit kaysa mga buhok ng aking ulo ang bilang ng mga namumuhi sa akin ng walang kadahilanan; ang mga nais pumuksa sa akin ay makapangyarihan na mga kaaway kong may kamalian. Anumang hindi ko naman ninakaw ay dapat kong isauli.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

4 Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo: Silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan: Akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

4 Silang napopoot nang walang dahilan, higit na marami sa buhok kong taglay; mga sinungaling na nagpaparatang, ang hangad sa akin ako ay mapatay. Ang pag-aari kong di naman ninakaw, nais nilang kuni't dapat daw ibigay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

4 Silang napopoot nang walang dahilan, higit na marami sa buhok kong taglay; mga sinungaling na nagpaparatang, ang hangad sa akin, ako ay mapatay. Ang pag-aari kong di naman ninakaw, nais nilang kuni't dapat daw ibigay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

4 Silang napopoot nang walang dahilan, higit na marami sa buhok kong taglay; mga sinungaling na nagpaparatang, ang hangad sa akin ako ay mapatay. Ang pag-aari kong di naman ninakaw, nais nilang kuni't dapat daw ibigay.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 69:4
14 Mga Krus na Reperensya  

Huwag nʼyong payagan na matuwa ang aking mga kaaway sa aking pagkatalo. Ang mga galit sa akin nang walang dahilan ay huwag nʼyong payagang kutyain ako.


Hindi ko na kayang bilangin ang napakarami kong suliranin. Para na akong natabunan ng marami kong kasalanan, kaya hindi na ako makakita. Ang bilang ng aking mga kasalanan ay mas marami pa kaysa sa aking buhok. Dahil dito, halos mawalan na ako ng pag-asa.


Panginoon, tingnan nʼyo! Inaabangan nila ako para patayin, kahit na wala akong nagawang kasalanan sa kanila.


Ang aking mga mataʼy namumugto na sa kaiiyak, dahil sa ginagawa ng lahat kong mga kaaway.


Sa ginawa nilang ito, natupad ang nakasulat sa kanilang Kautusan: ‘Napopoot sila sa akin nang walang dahilan.’ ”


Kailanmaʼy hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, itinuring siyang makasalanan para sa pamamagitan niyaʼy maituring tayong matuwid ng Dios.


Hindi siya nagkasala o nagsinungaling man.


Si Cristo ang umako sa mga kasalanan natin nang ipako siya sa krus, para iwanan na natin ang buhay na makasalanan at mamuhay nang matuwid. Dahil sa mga sugat niya, gumaling tayo.


Sapagkat si Cristo ngaʼy pinatay kahit wala siyang nagawang masama. At minsan lang siya namatay para mapatawad ang mga kasalanan natin. Siya na walang kasalanan ay pinatay alang-alang sa atin na mga makasalanan, para madala niya tayo sa Dios. Pinatay siya sa laman pero binuhay siya sa espiritu.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas