Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 41:9 - Ang Salita ng Dios

9 Kahit ang pinakamatalik kong kaibigan na kasalo ko lagi sa pagkain at pinagkakatiwalaan – nagawa akong pagtaksilan!

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

9 Oo, ang aking kasamasamang kaibigan, na aking tiniwalaan, na kumain ng aking tinapay, nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

9 Maging ang matalik kong kaibigan na aking pinagtitiwalaan, na kumain ng aking tinapay, ay nagtaas ng kanyang sakong sapagkat sa akin ay laban.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

9 Oo, ang aking kasamasamang kaibigan, na aking tiniwalaan, Na kumain ng aking tinapay, Nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

9 Lubos akong nagtiwala sa tapat kong kaibigan kasalo ko sa tuwina karamay sa anuman; ngunit ngayon, lubos siyang naging taksil na kalaban.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

9 Lubos akong nagtiwala sa tapat kong kaibigan kasalo ko sa tuwina, karamay sa anuman; ngunit ngayon, lubos siyang naging taksil na kalaban.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

9 Lubos akong nagtiwala sa tapat kong kaibigan kasalo ko sa tuwina karamay sa anuman; ngunit ngayon, lubos siyang naging taksil na kalaban.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 41:9
13 Mga Krus na Reperensya  

Habang naghahandog si Absalom, ipinatawag niya si Ahitofel sa bayan ng Gilo. Taga-Gilo si Ahitofel at isa sa mga tagapayo ni David. Habang tumatagal, lalong dumarami ang mga tagasunod ni Absalom, kaya lumakas nang lumakas ang plano niyang pagrerebelde laban kay David.


“Inilayo niya sa akin ang aking mga kamag-anak; at nilayuan na ako ng aking mga kakilala.


Lahat ng matalik kong kaibigan ay nasusuklam sa akin. Pati mga mahal ko sa buhay ay lumayo na rin.


at hindi ko hahayaan ang kasamaan. Namumuhi ako sa mga ginagawa ng mga taong tumatalikod sa Dios, at hindi ko gagawin ang kanilang ginagawa.


Narinig ko ang pangungutya ng mga tao. Inuulit nila ang mga sinasabi kong, “Nakakatakot ang nakapalibot sa atin!” Sinasabi pa nila, “Ipamalita natin ang kanyang kasinungalingan!” Pati ang mga kaibigan koʼy naghihintay ng pagbagsak ko. Sinasabi nila, “Baka sakaling madaya natin siya. Kung mangyayari iyon, magtatagumpay tayo at mapaghihigantihan natin siya.”


Lilinlangin kayo ng inyong kakamping mga bansa. Ang mga bansang nakipagkaibigan sa inyo ay siya ring sasalakay sa inyo, at palalayasin nila kayo sa bayan ninyo. Silang mga nakisalo sa inyo ang siya pang palihim na maglalagay ng bitag laban sa inyo.


Dahil sa laganap na ang kasamaan, huwag na kayong magtiwala sa inyong kapwa o sa inyong mga kaibigan. At mag-ingat kayo sa inyong sinasabi kahit na sa inyong mahal na asawa.


Sumagot siya, “Ang kasabay kong sumawsaw ng tinapay sa mangkok ang siyang magtatraydor sa akin.


“Hindi ko sinasabing mapalad kayong lahat, dahil kilala ko ang mga pinili ko. Pero kailangang matupad ang sinasabi sa Kasulatan na ‘Trinaydor ako ng nakisalo sa akin sa pagkain.’


Naging maunlad ang mga Israelita pero nagrebelde sila. Tumaba sila at lumakas, ngunit tinalikuran nila ang Dios na lumikha sa kanila, at sinuway nila ang kanilang Bato na kanlungan na kanilang Tagapagligtas.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas