Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 2:2 - Ang Salita ng Dios

2 Ang mga hari at mga pinuno sa mundo ay nagsama-sama, at nagsipaghanda sa pakikipaglaban sa Panginoon, at sa hari na kanyang hinirang.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

2 Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at ang mga pinuno ay nagsasanggunian, Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

2 Inihanda ng mga hari sa lupa ang kanilang sarili, at ang mga pinuno ay nagsisangguni, laban sa Panginoon at sa kanyang binuhusan ng langis, na nagsasabi,

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

2 Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, At ang mga pinuno ay nagsasanggunian, Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

2 Mga hari ng lupa'y nagkasundo at sama-samang lumalaban, hinahamon si Yahweh at ang kanyang hinirang:

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

2 Mga hari ng lupa'y nagkasundo at sama-samang lumalaban, hinahamon si Yahweh at ang kanyang hinirang:

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

2 Mga hari ng lupa'y nagkasundo at sama-samang lumalaban, hinahamon si Yahweh at ang kanyang hinirang:

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 2:2
27 Mga Krus na Reperensya  

Ang Panginoon ay kasama mo. Parurusahan niya ang maraming hari sa oras ng kanyang galit.


Kaya kayong mga hari at pinuno sa buong mundo, unawain ninyo ang mga salitang ito at pakinggan ang mga babala laban sa inyo.


Kinalulugdan mo ang gumagawa ng matuwid at kinamumuhian mo ang gumagawa ng masama. Kaya pinili ka ng Dios, na iyong Dios, at binigyan ng kagalakang higit sa ibinigay niya sa mga kasama mo.


Nagtipon-tipon ang mga hari upang sumalakay sa Jerusalem.


Ngunit noong nakita ng mga hari ang bayan, nagulat, natakot at nagsitakas sila.


Alalahanin nʼyo Panginoon, kung paano kayo pinahiya at kinutya ng mga hangal na kaaway. Kung paano nilapastangan ng mga mangmang na ito ang inyong pangalan.


Huwag nʼyong balewalain ang walang tigil na paghiyaw ng inyong mga kaaway upang ipakita ang kanilang galit.


Sila ay mga taga-Edom, mga Ishmaelita, mga taga-Moab, mga Hagreo,


Si David na aking lingkod ang pinili kong hari sa pamamagitan ng pagpahid sa kanya ng banal na langis.


at bukas ng umaga, makikita ninyo ang makapangyarihang presensya ng Panginoon. Sapagkat narinig niya ang mga reklamo ninyo. Sino ba kami para sa amin kayo magreklamo?”


Walang karunungan, pang-unawa o payo ang makakapantay sa Panginoon.


Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay nasa akin. Sapagkat hinirang niya ako na mangaral ng magandang balita sa mga mahihirap. Sinugo niya ako para aliwin ang mga sugatang-puso, at para ibalita sa mga bihag at mga bilanggo na silaʼy malaya na.


Galit na galit si Herodes nang malaman niyang nilinlang siya ng mga taong galing sa silangan. Kaya iniutos niyang patayin ang lahat ng batang lalaki sa Betlehem at sa mga lugar sa paligid nito, mula dalawang taong gulang pababa. Sapagkat ayon sa nalaman niya sa mga taong galing sa silangan, dalawang taon na ang nakalipas mula nang una nilang makita ang bituin.


Nang mga oras na iyon, ang mga namamahalang pari at ang mga pinuno ng mga Judio ay nagpupulong sa palasyo ni Caifas na punong pari.


Doon sa loob, ang mga namamahalang pari at ang lahat ng miyembro ng Korte ng mga Judio ay nagsisikap na makakuha ng mga ebidensya laban kay Jesus upang mahatulan siya ng kamatayan.


Kinaumagahan, nagplano ang lahat ng namamahalang pari at ang pinuno ng mga Judio kung ano ang gagawin nila para maipapatay si Jesus.


Nang mga sandaling iyon, dumating ang ilang Pariseo at sinabi kay Jesus, “Umalis na po kayo rito dahil gusto kayong ipapatay ni Herodes.”


Kinaumagahan, hinanap kaagad ni Andres ang kapatid niyang si Simon at sinabi sa kanya, “Natagpuan na namin ang Mesias.” (Ang ibig sabihin ng Mesias ay “Cristo”.)


Ang napopoot sa akin ay napopoot din sa aking Ama.


Sapagkat si Cristo na sinugo ng Dios ay nagpapahayag sa atin ng mga sinasabi ng Dios, dahil lubos na ipinagkaloob sa kanya ang Banal na Espiritu.


Natumba siya, at may narinig siyang tinig na nagsasabi, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?”


Kinalugdan mo ang gumagawa ng matuwid at kinamuhian mo ang gumagawa ng masama. Kaya pinili ka ng Dios, na iyong Dios, at binigyan ng kagalakang higit sa ibinigay niya sa mga kasama mo.”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas