Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 16:3 - Ang Salita ng Dios

3 Tungkol sa inyong mga taong banal na nasa lupain ng Israel, lubos ko silang kinalulugdan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

3 Tungkol sa mga banal na nangasa lupa, sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

3 Tungkol sa mga banal na nasa lupa, sila ang mararangal, sa kanila ako lubos na natutuwa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

3 Tungkol sa mga banal na nangasa lupa, Sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

3 Mga lingkod ng Panginoon ay dakila't mararangal! Sila'y nagmumula sa iba't ibang bayan; ligaya ng sarili ang sila'y aking makapisan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

3 Mga lingkod ng Panginoon ay dakila't mararangal! Sila'y nagmumula sa iba't ibang bayan; ligaya ng sarili ang sila'y aking makapisan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

3 Mga lingkod ng Panginoon ay dakila't mararangal! Sila'y nagmumula sa iba't ibang bayan; ligaya ng sarili ang sila'y aking makapisan.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 16:3
20 Mga Krus na Reperensya  

“Ngayon, Panginoong Dios, pumunta na po kayo sa templo nʼyo kasama ng Kahon ng Kasunduan na simbolo ng inyong kapangyarihan. Sanaʼy lagi pong magtagumpay ang inyong mga pari at magsaya ang mga mamamayan ninyo sa inyong kabutihan.


Ipapadama ko ang aking kabutihan sa aking mga kababayan na tapat sa Dios at namumuhay nang matuwid; silaʼy magiging kasama ko at papayagan kong maglingkod sa akin.


Nasasaktan ang Panginoon kung mamatay ang kanyang mga tapat na mga mamamayan.


Akoʼy kaibigan ng lahat ng may takot sa inyo at sumusunod sa inyong mga tuntunin.


Alang-alang sa aking mga kamag-anak at mga kaibigan, sasabihin ko sa Jerusalem, “Sumainyo ang kapayapaan.”


Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon, kayong mga tapat sa kanya. Papurihan ninyo ang kanyang banal na pangalan.


Ginagabayan ng taong matuwid ang kanyang kaibigan, ngunit ililigaw ka ng taong masama.


Kapag ang lagi mong kasama ay isang taong marunong, magiging marunong ka rin, ngunit kung hangal ang lagi mong kasama ay mapapahamak ka.


Natutuwa ako sa mundong nilikha niya at sa mga taong inilagay niya dito.


Ako ay sa kanya lang, at ako lamang ang kanyang inaasam.


Hindi ka na tatawaging, “Itinakwil” o “Pinabayaan”. Ikaw ay tatawaging, “Kaligayahan ng Dios” o “Ikinasal sa Dios”, dahil nalulugod sa iyo ang Dios at para bang ikaw ay ikakasal sa kanya.


Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan, “Magiging akin sila sa araw ng paghatol ko. Ituturing ko silang isang tanging kayamanan. Hindi ko sila parurusahan, tulad ng isang amang hindi nagpaparusa sa anak na masunurin.


Pero sumagot si Ananias, “Panginoon, marami po akong nababalitaan tungkol sa taong iyon, na malupit siya sa inyong mga pinabanal sa Jerusalem.


Kaya nga sa tuwing may pagkakataon, gumawa tayo ng kabutihan sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.


Mula kay Pablo na apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Dios. Mahal kong mga pinabanal sa Efeso, mga matatapat na nakay Cristo Jesus:


Ang mga aral na itoʼy totoo at mapagkakatiwalaan. Kaya gusto kong ituro mo ang mga bagay na ito upang ang mga sumasampalataya sa Dios ay maging masigasig sa paggawa ng mabuti. Ang mga itoʼy mabuti at kapaki-pakinabang sa lahat.


Makatarungan ang Dios, at hindi niya magagawang kalimutan ang inyong mabubuting gawa at ang pagmamahal na ipinakita ninyo sa kanya at patuloy na ipinapakita sa pamamagitan ng pagtulong sa mga kapwa pinabanal ng Dios.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas