Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 12:3 - Ang Salita ng Dios

3 Panginoon, patigilin nʼyo na sana ang mga mayayabang at mambobola.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

3 Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi, ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay:

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

3 Nawa'y putulin ng Panginoon ang lahat ng mapanuyang mga labi, ang dila na gumagawa ng malaking pagmamalaki,

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

3 Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi, Ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay:

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

3 Patigilin mo, Yahweh, ang madaldal na dila, at sarhan ang bibig ng hambog magsalita;

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

3 Patigilin mo, Yahweh, ang madaldal na dila, at sarhan ang bibig ng hambog magsalita;

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

3 Patigilin mo, Yahweh, ang madaldal na dila, at sarhan ang bibig ng hambog magsalita;

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 12:3
26 Mga Krus na Reperensya  

Hindi ako marunong mambola. Kung gagawin ko ito, parusahan nawa ako ng aking Manlilikha.”


Sa aking pagkabalisa ay nasabi kong, “Wala ni isang taong mapagkatiwalaan.”


Panginoon, alam kong iniingatan nʼyo ang karapatan ng mga dukha, at binibigyan nʼyo ng katarungan ang mga nangangailangan.


Silaʼy mayayabang sa kanilang pagsasalita at mga walang awa.


Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalagaan ka niya. Hindi niya pababayaan ang mga matuwid magpakailanman.


Sinabi ng nagyayabang na kaaway, ‘Hahabulin ko sila at huhulihin; paghahati-hatiin ko ang kanilang mga kayamanan at bubusugin ko nito ang aking sarili. Bubunutin ko ang aking espada at lilipulin sila.’


Ang salita ng tao ay makapagliligtas ng buhay o kaya ay makamamatay. Kaya mag-ingat sa pagsasalita sapagkat aanihin mo ang mga bunga nito.


Maaaring ang kaaway ay magandang magsalita, ngunit ang nasa isip niya ay makapandaya.


Pinarusahan ko ang mga bansang sumasamba sa mga dios-diosan na mas marami pa kaysa sa mga dios-diosan sa Jerusalem at Samaria.


Wala sa isip ninyo ang katarungan; ang mga bintang ninyo sa inyong kapwa ay puro mga kasinungalingan. Ang inyong iniisip ay masama, at iyon ay inyong ginagawa.


Kahit na ang iyong mga kapatid at kamag-anak ay nagtaksil sa iyo. Nagbalak sila ng masama laban sa iyo. Huwag kang magtiwala sa kanila kahit na mabuti ang sinasabi nila.


Ang kanilang mga dila ay parang panang nakakamatay. Puro na lang pandaraya ang kanilang sinasabi. Nakikipag-usap sila nang mabuti sa kapwa nila pero sa puso nilaʼy masama ang binabalak nila.


“Anak ng tao, sabihin mo sa pinuno ng Tyre na ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabi: Sa pagmamataas moʼy sinasabi mo na isa kang dios na nakaupo sa trono sa gitna ng karagatan. Pero ang totoo, kahit na ang tingin mo sa iyong sarili ay marunong katulad ng isang dios, tao ka lang at hindi dios.


Masasabi mo pa kayang isa kang dios, sa harap ng mga papatay sa iyo? Para sa kanila, tao ka lang at hindi dios.


Sabihin mong ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito: Kalaban kita, O Faraon, hari ng Egipto. Para kang malaking buwaya na nagbababad sa ilog. Sinasabi mong ikaw ang may-ari ng ilog Nilo, at ginawa mo ito para sa sarili mo.


Magsasalita siya laban sa Kataas-taasang Dios, at uusigin niya ang mga banal ng Dios. Sisikapin niyang baguhin ang mga pista at Kautusan. Ipapasakop sa kanya ang mga banal ng Dios sa loob ng tatloʼt kalahating taon.


“Habang tinitingnan ko ang mga sungay, nakita kong tumubo ang munting sungay at nabunot ang tatlong sungay. Ang sungay na ito ay may mata na tulad ng tao at may bibig na nagsasalita ng kayabangan.


Sinabi pa ng Panginoon, “Masasakit ang inyong sinabi tungkol sa akin. Pero itinatanong ninyo, ‘Ano ang sinabi naming masakit tungkol sa inyo?’


Mayabang silang magsalita, pero wala namang kabuluhan. Sinasabi nilang hindi masama ang pagsunod sa masasamang nasa ng laman. Kaya nahihikayat nilang bumalik sa imoralidad ang mga taong kakatalikod pa lamang sa masamang pamumuhay.


Ang mga taong ito na sumasalungat sa katotohanan ay mareklamo, mapagpuna, at ang tanging sinusunod ay ang masasamang hangarin nila. Mayabang sila sa kanilang pananalita, at nililinlang nila ang mga tao para makuha ang gusto nila.


Hinayaan ng Dios na magsalita ang halimaw ng kalapastanganan laban sa kanya at maghari sa loob ng 42 buwan.


Walang sinumang makapagyayabang dahil alam ng Panginoong Dios ang lahat ng bagay, at hinahatulan niya ang mga gawa ng tao.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas