Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Lucas 6:12 - Ang Salita ng Dios

12 Nang panahong iyon, pumunta si Jesus sa bundok at magdamag siyang nanalangin doon.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

12 At nangyari nang mga araw na ito, na siya'y napasa bundok upang manalangin; at sa buong magdamag ay nanatili siya sa pananalangin sa Dios.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

12 Nang mga araw na iyon, siya ay nagtungo sa bundok upang manalangin at ginugol ang buong magdamag sa pananalangin sa Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

12 At nangyari nang mga araw na ito, na siya'y napasa bundok upang manalangin; at sa buong magdamag ay nanatili siya sa pananalangin sa Dios.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

12 Nang panahong iyon, umakyat si Jesus sa isang bundok at magdamag siyang nanalangin sa Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

12 Nang panahong iyon, umakyat si Jesus sa isang bundok at magdamag siyang nanalangin sa Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

12 Nang panahong iyon, umakyat si Jesus sa isang bundok at magdamag siyang nanalangin sa Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya




Lucas 6:12
23 Mga Krus na Reperensya  

Dios ko, araw-gabiʼy tumatawag ako sa inyo, ngunit hindi nʼyo ako sinasagot, kaya wala akong kapahingahan.


Buong puso kitang hinahanap-hanap kapag gabi. Kung hahatulan nʼyo ang mga tao sa mundo, matututo silang mamuhay nang matuwid.


Nang malaman ni Daniel na lumagda ang hari, umuwi siya at pumunta sa kanyang silid na nasa itaas na bahagi ng bahay, kung saan nakabukas ang bintana na nakaharap sa Jerusalem. Doon lumuhod siya, nanalangin at nagpasalamat sa kanyang Dios, tatlong beses sa isang araw, ayon sa kanyang nakaugalian.


Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok at naupo roon. Lumapit sa kanya ang mga tagasunod niya,


Sa halip, kung mananalangin kayo, pumasok kayo sa inyong kwarto at isara ang pinto. At saka kayo manalangin sa inyong Ama na hindi nakikita. At ang inyong Ama na nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang magbibigay ng gantimpala sa inyo.


Kinabukasan ng madaling-araw, bumangon si Jesus at pumunta sa ilang upang manalangin.


Pagkatapos, umakyat si Jesus sa bundok at tinawag niya ang mga taong nais niyang piliin. At lumapit sila sa kanya.


Nang makaalis na ang mga tao, umakyat siya sa isang bundok upang manalangin.


Pero laging pumupunta si Jesus sa ilang at doon nananalangin.


Pero galit na galit ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kaya pinag-usapan nila kung ano ang dapat gawin kay Jesus.


Pagkatapos niyang piliin ang mga apostol niya, bumaba sila mula sa bundok at tumigil sa isang patag na lugar. Naroon ang marami pa niyang tagasunod at ang mga taong nanggaling sa Judea, Jerusalem, at sa baybayin ng Tyre at Sidon.


Isang araw, nanalanging mag-isa si Jesus nang di-kalayuan sa mga tagasunod niya. Tinanong niya sila, “Sino raw ako ayon sa mga tao?”


Mga walong araw matapos sabihin ni Jesus iyon, isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago sa isang bundok upang manalangin.


Habang nananalangin si Jesus, nagbago ang anyo ng kanyang mukha. At ang damit niya ay naging puting-puti at nakakasilaw tingnan.


Umakyat si Jesus at ang mga tagasunod niya sa isang bundok at naupo roon.


Magpakasigasig kayo sa pananalangin nang may pasasalamat, at habang nananalangin kayo ingatan ninyo ang pag-iisip ninyo.


Noong namumuhay pa si Jesus sa mundong ito, umiiyak siyang nananalangin at nagmamakaawa sa Dios na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig naman siya dahil lubos siyang naging masunurin.


“Nalungkot ako na ginawa kong hari si Saul. Sapagkat tinalikuran niya ako at hindi sinunod ang utos ko.” Nang marinig ito ni Samuel, labis siyang nabagabag, at nanalangin siya sa Panginoon nang buong magdamag.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas