Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Lucas 10:3 - Ang Salita ng Dios

3 Sige, lumakad na kayo. Ngunit mag-ingat kayo, dahil tulad kayo ng mga tupang isinugo ko sa mga lobo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

3 Magsiyaon kayo sa iyong lakad; narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga kordero sa gitna ng mga lobo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

3 Humayo kayo, sinusugo ko kayong gaya ng mga kordero sa gitna ng mga asong-gubat.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

3 Magsiyaon kayo sa iyong lakad; narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga kordero sa gitna ng mga lobo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

3 Sige pumunta na kayo! Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mababangis na asong-gubat.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

3 Humayo kayo! Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

3 Sige pumunta na kayo! Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mababangis na asong-gubat.

Tingnan ang kabanata Kopya




Lucas 10:3
14 Mga Krus na Reperensya  

o mga kuko ng leon, o sungay ng toro. Sagutin nʼyo po ang aking dalangin.


Ang kanilang mga opisyal ay parang leon na umaatungal. Ang kanilang mga pinuno ay parang mga lobo na naghahanap ng makakain kung gabi, at walang itinitira pagsapit ng umaga.


“Tandaan ninyo, tulad kayo ng mga tupang sinugo ko sa mga lobo, kaya maging matalino kayo gaya ng mga ahas, at kasing-amo ng mga kalapati.


Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas


“Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang mga maamong tupa, pero ang totoo, tulad sila ng mga gutom na lobo.


Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o sandalyas. At huwag kayong mag-aksaya ng panahon sa pakikipagbatian sa daan.


Hindi siya katulad ng bayarang pastol ng mga tupa, sapagkat ang ganitong tagapagbantay ay tumatakas at iniiwan ang mga tupa kapag nakakita ng asong lobo na paparating. Kaya sinasalakay ng lobo ang mga tupa at nagkakawatak-watak sila.


Tandaan nʼyo ang sinabi ko sa inyo na walang aliping mas higit sa kanyang amo. Kung inusig nila ako, uusigin din nila kayo. At kung sinunod nila ang aking salita, susundin din nila ang inyong salita.


Hindi na kayo tatanggapin ng mga kapwa nʼyo Judio sa mga sambahan nila. Sa katunayan, darating ang panahon na ang sinumang papatay sa inyo ay mag-aakalang naglilingkod siya sa Dios.


Sapagkat alam kong pagkaalis koʼy may mga tagapagturo riyan na katulad ng mga lobo na papasok sa inyo at sisira sa inyong grupo.


At ipapakita ko rin sa kanya ang mga paghihirap na dapat niyang danasin para sa akin.”


at humingi ng mga sulat na ipapakita niya sa mga sambahan ng mga Judio sa Damascus bilang katibayan na binibigyan siya ng kapangyarihang hulihin at dalhin sa Jerusalem ang sinumang makikita niya roon na sumusunod sa pamamaraan ni Jesus, lalaki man ito o babae.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas