Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Juan 6:64 - Ang Salita ng Dios

64 Pero may ilan sa inyo na hindi sumasampalataya.” Sinabi ito ni Jesus dahil alam niya sa simula pa kung sino ang mga hindi sumasampalataya, at kung sino ang magtatraydor sa kanya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

64 Datapuwa't may ilan sa inyong hindi nagsisisampalataya. Sapagka't talastas na ni Jesus buhat pa nang una kung sino-sino ang hindi nagsisisampalataya, at kung sino ang sa kaniya'y magkakanulo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

64 Subalit may ilan sa inyo na hindi sumasampalataya.” Sapagkat nalalaman na ni Jesus buhat pa nang una kung sinu-sino ang hindi sumasampalataya at kung sino ang magkakanulo sa kanya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

64 Datapuwa't may ilan sa inyong hindi nagsisisampalataya. Sapagka't talastas na ni Jesus buhat pa nang una kung sino-sino ang hindi nagsisisampalataya, at kung sino ang sa kaniya'y magkakanulo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

64 Ngunit may ilan sa inyong hindi nananalig sa akin.” Alam na ni Jesus buhat pa noong una kung sinu-sino ang hindi mananalig sa kanya, at kung sino ang magkakanulo sa kanya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

64 Ngunit may ilan sa inyong hindi sumasampalataya.” Alam na ni Jesus buhat pa noong una kung sinu-sino ang hindi mananalig sa kanya, at kung sino ang magkakanulo sa kanya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

64 Ngunit may ilan sa inyong hindi nananalig sa akin.” Alam na ni Jesus buhat pa noong una kung sinu-sino ang hindi mananalig sa kanya, at kung sino ang magkakanulo sa kanya.

Tingnan ang kabanata Kopya




Juan 6:64
20 Mga Krus na Reperensya  

si Simon na makabayan, at si Judas Iscariote na siyang nagtraydor kay Jesus nang bandang huli.


Ngunit ayaw nʼyong maniwala sa akin dahil hindi kayo kabilang sa aking mga tupa.


Alam ni Jesus ang lahat ng mangyayari sa kanya, kaya sinalubong niya sila at tinanong, “Sino ang hinahanap nʼyo?”


Kilala ko talaga kayo at alam kong wala sa mga puso ninyo ang pagmamahal sa Dios.


“Ngunit gaya ng sinabi ko sa inyo, ayaw ninyong manampalataya sa akin kahit nakita na ninyo ang mga himalang ginawa ko.


Nang marinig iyon ng mga tagasunod ni Jesus, marami sa kanila ang nagsabi, “Mabigat ang itinuturo niya. Sino ang makakatanggap nito?”


Kahit na walang nagsabi sa kanya, alam ni Jesus na nagbubulung-bulungan ang mga tagasunod niya dahil sa mga itinuro niya. Kaya sinabi niya sa kanila, “Hindi ba ninyo matanggap ang mga sinabi ko?


Mula noon, marami sa mga tagasunod niya ang tumalikod at hindi na sumunod sa kanya.


Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kayoʼy makamundo at akoʼy makalangit.


Hindi nʼyo siya kilala. Ngunit ako, kilala ko siya. Kung sasabihin kong hindi ko siya kilala, magiging sinungaling akong tulad ninyo. Ngunit kilala ko talaga siya at tinutupad ko ang kanyang salita.


at matagal ko na itong ipinahayag.’ ”


Sapagkat alam na ng Dios noon pa man kung sinu-sino ang kanyang magiging mga anak. At silaʼy itinalaga niyang matulad sa kanyang Anak na si Jesus para siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid.


Ganoon pa man, nananatiling matibay ang saligang itinatag ng Dios, at may nakasulat na “Alam ng Panginoon kung sino ang sa kanya,” at “Dapat lumayo sa kasamaan ang bawat taong nagsasabi na siyaʼy sa Panginoon.”


Walang makapagtatago sa Dios. Nakikita niya at lantad sa paningin niya ang lahat, at sa kanya tayo mananagot.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas