Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Juan 5:7 - Ang Salita ng Dios

7 Sumagot ang may sakit, “Gusto ko po sana, pero walang tumutulong sa aking lumusong sa tubig kapag kinakalawkaw na ito. Sa tuwing papunta pa lang ako, nauunahan na ako ng iba.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

7 Sumagot sa kaniya ang lalaking maysakit, Ginoo, wala ng taong maglusong sa akin sa tangke, pagkalawkaw sa tubig: datapuwa't samantalang ako'y naparoroon, ay nakalusong na muna ang iba bago ako.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

7 Sumagot sa kanya ang lalaking may sakit, “Ginoo, walang taong maglusong sa akin sa tipunan ng tubig kapag kinakalawkaw ang tubig; at samantalang ako'y lumalapit ay nakalusong na muna ang iba bago ako.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

7 Sumagot sa kaniya ang lalaking maysakit, Ginoo, wala ng taong maglusong sa akin sa tangke, pagkalawkaw sa tubig: datapuwa't samantalang ako'y naparoroon, ay nakalusong na muna ang iba bago ako.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

7 Sumagot ang maysakit, “Ginoo, wala pong maglusong sa akin kapag gumalaw na ang tubig; papunta pa lamang ako, may nauuna na sa akin.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

7 Sumagot ang maysakit, “Ginoo, wala pong maglulusong sa akin kapag gumalaw na ang tubig; papunta pa lamang ako, may nauuna na sa akin.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

7 Sumagot ang maysakit, “Ginoo, wala pong maglusong sa akin kapag gumalaw na ang tubig; papunta pa lamang ako, may nauuna na sa akin.”

Tingnan ang kabanata Kopya




Juan 5:7
10 Mga Krus na Reperensya  

Tingnan nʼyo ang aking paligid, walang sinumang tumutulong sa akin. Walang sinumang nangangalaga at nagmamalasakit sa akin.


Dahil tinutulungan niya ang mga napabayaang dukha na humingi ng tulong sa kanya.


Sa isang pintuan ng lungsod ng Jerusalem, kung saan idinadaan ang mga tupa ay may paliguan na ang tawag sa wikang Hebreo ay Betesda. Sa paligid nito ay may limang silungan,


kung saan nakahiga ang maraming may sakit – mga bulag, pilay at mga paralitiko. [


Hinihintay nilang gumalaw ang tubig, dahil paminsan-minsan, may isang anghel ng Dios na bumababa at kinakalawkaw ang tubig. Ang unang makalusong sa tubig pagkatapos makalawkaw ng anghel ay gumagaling, kahit ano pa ang kanyang sakit.]


Nakita ni Jesus ang lalaki na nakahiga roon at nalaman niyang matagal na itong may sakit. Kaya tinanong siya ni Jesus, “Gusto mo bang gumaling?”


Nang wala tayong kakayahang makaligtas sa kaparusahan, namatay si Cristo para sa ating mga kasalanan sa panahong itinakda ng Dios.


Sa ating pagsunod sa Dios ay para tayong mananakbo. Alam ninyo na sa isang takbuhan, marami ang sumasali ngunit isa lang ang nananalo. Kaya pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang makamit ninyo ang gantimpala.


Ipagtatanggol ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan; kaaawaan niya ang kanyang mga lingkod, kapag nakita niya na wala na silang lakas at kakaunti na lang ang natira sa kanila, alipin man o hindi.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas