Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Juan 5:21 - Ang Salita ng Dios

21 Kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at binibigyang-buhay ang mga ito, ganoon din naman, binibigyang-buhay ng Anak ang sinumang gusto niyang bigyan nito.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

21 Sapagka't kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at sila'y binubuhay, gayon din naman binubuhay ng Anak ang kaniyang mga ibigin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

21 Sapagkat kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at sila'y binubuhay, gayundin naman binubuhay ng Anak ang sinumang nais niya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

21 Sapagka't kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at sila'y binubuhay, gayon din naman binubuhay ng Anak ang kaniyang mga ibigin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

21 Kung paanong binubuhay ng Ama ang mga patay, gayundin naman, binubuhay ng Anak ang sinumang nais niyang buhayin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

21 Kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at binibigyan sila ng buhay, gayundin naman, binubuhay ng Anak ang sinumang nais niyang buhayin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

21 Kung paanong binubuhay ng Ama ang mga patay, gayundin naman, binubuhay ng Anak ang sinumang nais niyang buhayin.

Tingnan ang kabanata Kopya




Juan 5:21
14 Mga Krus na Reperensya  

Dumapa si Elias ng tatlong beses sa bata at tumawag sa Panginoon, “O Panginoon na aking Dios, buhayin po ninyo ang batang ito!”


Nang mabasa ng hari ng Israel ang sulat, pinunit niya ang damit niya at sinabi, “Bakit ipinadala niya sa akin ang taong ito na may malubhang sakit sa balat para pagalingin? Dios ba ako? May kapangyarihan ba ako para pumatay at bumuhay? Gumagawa lang siya ng paraan para makipag-away!”


Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ako ang bumubuhay sa mga namatay, at ako rin ang nagbibigay ng buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay.


Sapagkat binigyan mo ako ng kapangyarihan sa lahat ng tao para mabigyan ko ng buhay na walang hanggan ang lahat ng taong ibinigay mo sa akin.


Ang Banal na Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay mula sa Espiritu at nakakapagbigay-buhay.


At kayong mga Judio, bakit hindi kayo makapaniwala na kaya ng Dios na bumuhay ng mga patay?


At dahil nasa inyo na ang Espiritu ng Dios na muling bumuhay kay Jesu-Cristo, siya rin ang magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang may kamatayan. Gagawin niya ito sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo.


Sinasabi sa Kasulatan, “Ang unang tao na si Adan ay binigyan ng buhay.” Ngunit ang huling Adan na si Cristo ay espiritung nagbibigay-buhay.


Tingnan ninyo ngayon; ako lang ang Dios! Wala nang iba pang dios maliban sa akin. Ako ang pumapatay at ako ang nagbibigay-buhay; ako ang sumusugat at nagpapagaling, at walang makatatakas sa aking mga kamay.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas