Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Juan 4:53 - Ang Salita ng Dios

53 Naalala ng opisyal na nang oras ding iyon ay sinabi sa kanya ni Jesus na magaling na ang anak niya. Kaya siya at ang buong pamilya niya ay sumampalataya kay Jesus.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

53 Naunawa nga ng ama na sa oras na yaon nang sabihin sa kaniya ni Jesus, Buhay ang anak mo: at siya'y sumampalataya, at ang kaniyang buong sangbahayan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

53 Kaya't nalaman ng ama na sa oras na iyon ay sinabi sa kanya ni Jesus, “Ang anak mo ay mabubuhay.” Kaya't siya'y sumampalataya, at ang kanyang buong sambahayan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

53 Naunawa nga ng ama na sa oras na yaon nang sabihin sa kaniya ni Jesus, Buhay ang anak mo: at siya'y sumampalataya, at ang kaniyang buong sangbahayan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

53 Naalala ng ama na noong oras na iyon sinabi sa kanya ni Jesus, “Gagaling ang inyong anak.” Kaya't siya at ang kanyang buong sambahayan ay sumampalataya kay Jesus.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

53 Naalala ng ama na noong oras na iyon sinabi sa kanya ni Jesus, “Hindi mamamatay ang iyong anak.” Kaya't siya at ang kanyang buong sambahayan ay sumampalataya kay Jesus.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

53 Naalala ng ama na noong oras na iyon sinabi sa kanya ni Jesus, “Gagaling ang inyong anak.” Kaya't siya at ang kanyang buong sambahayan ay sumampalataya kay Jesus.

Tingnan ang kabanata Kopya




Juan 4:53
12 Mga Krus na Reperensya  

Sa kanyang salita silaʼy nagsigaling at iniligtas niya sila sa kamatayan.


dahil nang siyaʼy nagsalita, nalikha ang mundo; siyaʼy nag-utos at lumitaw ang lahat.


At sinabi ni Jesus sa kapitan, “Umuwi ka na. Mangyayari ang hinihiling mo ayon sa iyong pananampalataya.” At nang oras ding iyon ay gumaling ang utusan ng kapitan.


Sinabi sa kanya ni Jesus, “Dumating na ngayon ang kaligtasan sa sambahayang ito, dahil siya ay mula rin sa lahi ni Abraham.


Habang nasa daan pa lang ay sinalubong na siya ng mga alipin niya at sinabi sa kanya na magaling na ang anak niya.


Kaya tinanong niya kung anong oras ito gumaling. Sumagot sila, “Kahapon po ng mga ala-una ng hapon ay nawala na ang lagnat niya.”


Sasabihin niya sa iyo kung paano ka maliligtas at ang iyong buong pamilya.’


Nagpabautismo siya at ang kanyang pamilya. Pagkatapos, sinabi niya, “Kung naniniwala kayo na ako ay isa nang tunay na mananampalataya sa Panginoon, doon na kayo tumuloy sa aking bahay.” At nakumbinsi niya kaming tumuloy sa bahay nila.


Pagkatapos, isinama niya sina Pablo sa kanyang bahay at pinakain. Natuwa ang guwardya at ang kanyang buong pamilya na silaʼy sumasampalataya na sa Dios.


Si Crispus na namumuno sa sambahan ng mga Judio at ang kanyang pamilya ay sumampalataya rin sa Panginoong Jesus; at marami pang mga taga-Corinto na nakinig kay Pablo ang sumampalataya at nagpabautismo.


Sapagkat ang Banal na Espiritung ito ay ipinangako para sa inyo, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng taong nasa malayo – sa lahat ng tatawagin ng Panginoon nating Dios na magsisilapit sa kanya.”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas