Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Juan 2:6 - Ang Salita ng Dios

6 May anim na tapayan doon na ginagamit ng mga Judio sa ritwal nilang paghuhugas. Ang bawat tapayan ay naglalaman ng 20 hanggang 30 galon ng tubig.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

6 Mayroon nga roong anim na tapayang bato na nalalagay alinsunod sa kaugaliang paglilinis ng mga Judio, na naglalaman ang bawa't isa ng dalawa o tatlong bangang tubig.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

6 Doon ay mayroong anim na tapayang bato para sa kaugaliang paglilinis ng mga Judio na naglalaman ang bawat isa ng dalawa o tatlong bangang tubig.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

6 Mayroon nga roong anim na tapayang bato na nalalagay alinsunod sa kaugaliang paglilinis ng mga Judio, na naglalaman ang bawa't isa ng dalawa o tatlong bangang tubig.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

6 May anim na banga doon, ang bawat isa'y naglalaman ng pitumpu't lima hanggang 115 litro. Ang mga ito ay nakalaan para sa paghuhugas ayon sa tuntuning panrelihiyon ng mga Judio.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

6 May anim na banga doon, ang bawat isa'y naglalaman ng dalawampu hanggang tatlumpung galon. Ang mga ito ay nakalaan para sa paghuhugas ayon sa rituwal ng mga Judio.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

6 May anim na banga doon, ang bawat isa'y naglalaman ng pitumpu't lima hanggang 115 litro. Ang mga ito ay nakalaan para sa paghuhugas ayon sa tuntuning panrelihiyon ng mga Judio.

Tingnan ang kabanata Kopya




Juan 2:6
9 Mga Krus na Reperensya  

Sumagot ito, ‘100 banga ng langis ng olibo.’ ‘Heto ang kasulatan ng pagkakautang mo. Maupo ka at isulat mong 50 na lang ang utang mo,’ sabi ng katiwala.


Sinabi ni Jesus sa mga katulong, “Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan.” At pinuno nga nila ang mga ito.


Ngayon, nagkaroon ng pagtatalo ang ilang tagasunod ni Juan at ang isang Judio tungkol sa bautismo.


upang maging banal ito matapos linisin sa pamamagitan ng bautismo sa tubig at ng salita ng Dios.


lumapit tayo sa kanya nang may tapat na puso at matatag na pananampalataya, dahil nilinis na ng dugo ni Jesus ang mga puso natin mula sa maruming pag-iisip, at nahugasan na ang mga katawan natin ng malinis na tubig.


mga aral tungkol sa bautismo, pagpapatong ng kamay sa ulo, muling pagkabuhay ng mga patay, at paghahatol ng Dios sa magiging kalagayan ng tao magpakailanman.


Ang mga ginagawa nilang itoʼy nauukol lang sa mga pagkain at inumin at mga seremonya ng paglilinis. Mga tuntuning panlabas lamang ito na ipinapatupad hanggang sa dumating ang bagong pamamaraan ng Dios.


Sapagkat nang ipahayag ni Moises ang Kautusan sa mga tao, kumuha siya ng dugo ng mga guyaʼt kambing, at hinaluan ng tubig. Isinawsaw niya rito ang balahibo ng tupa na kinulayan ng pula na nakatali sa sanga ng isopo. Pagkatapos, winisikan niya ang aklat ng Kautusan at ang mga tao.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas