Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Juan 2:2 - Ang Salita ng Dios

2 Inimbita rin si Jesus at ang mga tagasunod niya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

2 At inanyayahan din naman si Jesus, at ang kaniyang mga alagad, sa kasalan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

2 Inanyayahan din si Jesus at ang kanyang mga alagad sa kasalan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

2 At inanyayahan din naman si Jesus, at ang kaniyang mga alagad, sa kasalan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

2 Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay inanyayahan din sa kasalan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

2 Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay inanyayahan din sa kasalan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

2 Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay inanyayahan din sa kasalan.

Tingnan ang kabanata Kopya




Juan 2:2
30 Mga Krus na Reperensya  

Hindi siya makikipagtalo o mambubulyaw, at hindi maririnig ang kanyang tinig sa daan.


At sasagot ako bilang Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang ginawa nʼyo ito sa pinakahamak kong mga kapatid, para na rin nʼyo itong ginawa sa akin.’


At sasagot ako bilang Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang hindi ninyo tinulungan ang pinakahamak kong mga kapatid, ako ang hindi ninyo tinulungan.’


Pagkatapos ng kasalan, pumunta si Jesus sa Capernaum, kasama ang kanyang ina, mga kapatid, at mga tagasunod. Nanatili sila roon ng ilang araw.


Naalala ng mga tagasunod niya ang nakasulat sa Kasulatan: “Mapapahamak ako dahil sa pagmamalasakit ko sa bahay ninyo.”


Kaya nang nabuhay siyang muli, naalala ng mga tagasunod niya ang sinabi niyang ito. At naniwala sila sa pahayag ng Kasulatan at sa mga sinabi ni Jesus tungkol sa kanyang muling pagkabuhay.


Nang maubos ang alak sa handaan, sinabi ng ina ni Jesus sa kanya, “Naubusan sila ng alak.”


Pagkatapos nito, pumunta si Jesus at ang mga tagasunod niya sa ibang lugar ng Judea. Nanatili sila roon at nagbautismo ng mga tao.


Kaya nagtanungan ang mga tagasunod niya, “May nagdala kaya sa kanya ng pagkain?”


Pagkakain nila, sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Tipunin nʼyo ang lahat ng natira para walang masayang.”


Nang gumagabi na, nagpunta ang mga tagasunod ni Jesus sa tabi ng lawa.


Nang marinig iyon ng mga tagasunod ni Jesus, marami sa kanila ang nagsabi, “Mabigat ang itinuturo niya. Sino ang makakatanggap nito?”


Mula noon, marami sa mga tagasunod niya ang tumalikod at hindi na sumunod sa kanya.


Kaya tinanong ni Jesus ang 12 apostol, “Kayo ba, gusto rin ninyong umalis?”


Sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi baʼt pinili ko kayong 12? Pero ang isa sa inyo ay diyablo!”


Ang tinutukoy ni Jesus ay si Judas na anak ni Simon Iscariote, dahil kahit kabilang si Judas sa 12 apostol, tatraydurin niya si Jesus sa bandang huli.


Sinabi naman ng isa sa mga tagasunod niyang si Andres na kapatid ni Pedro,


sinabi ng mga kapatid ni Jesus sa kanya, “Bakit hindi ka umalis dito at pumunta sa Judea para makita ng mga tagasunod mo ang mga ginagawa mo?


Nang makita niya si Saulo, isinama niya ito pabalik sa Antioc. At isang taon silang nakasama ng iglesya roon, at maraming tao ang kanilang tinuruan. Sa Antioc unang tinawag na mga Cristiano ang mga tagasunod ni Jesus.


Kaya nagpasya ang mga tagasunod ni Jesus sa Antioc na ang bawat isa sa kanila ay magpapadala ng tulong sa mga kapatid sa Judea ayon sa kanilang makakaya.


Ito ang maisasagot ko riyan: Anuman ang inyong gawin, kumain man o uminom, gawin ninyo ang lahat sa ikapupuri ng Dios.


Ang babaeʼy nakatali sa kanyang asawa habang nabubuhay pa ito. Ngunit kung patay na ang kanyang asawa, maaari na siyang mag-asawa uli, pero dapat sa isang mananampalataya.


At anuman ang ginagawa nʼyo, sa salita man o sa gawa, gawin nʼyo ang lahat bilang mananampalataya sa Panginoong Jesus, at magpasalamat kayo sa Dios Ama sa pamamagitan niya.


Dapat ninyong pahalagahan ang pag-aasawa, at dapat ninyong iwasan ang pangangalunya. Sapagkat hahatulan ng Dios ang mga nangangalunya at ang mga imoral.


Narito ako sa labas ng pintuan ninyo at kumakatok. Kung may makarinig sa akin at buksan ang pinto, papasok ako at magsasalo kami sa pagkain.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas