Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Juan 10:34 - Ang Salita ng Dios

34 Sumagot si Jesus, “Hindi baʼt nakasulat sa Kautusan na sinabi ng Dios na kayoʼy mga dios?

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

34 Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga dios?

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

34 Sinagot sila ni Jesus, “Hindi ba nasusulat sa inyong kautusan, ‘Aking sinabi, kayo'y mga diyos?’

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

34 Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga dios?

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

34 Tumugon si Jesus, “Hindi ba nasusulat sa inyong Kautusan, ‘Sinabi ko, mga diyos kayo’?

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

34 Tumugon si Jesus, “Hindi ba nasusulat sa inyong Kautusan, ‘Sinabi ko, mga diyos kayo’?

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

34 Tumugon si Jesus, “Hindi ba nasusulat sa inyong Kautusan, ‘Sinabi ko, mga diyos kayo’?

Tingnan ang kabanata Kopya




Juan 10:34
12 Mga Krus na Reperensya  

Panginoon, magpapasalamat ako sa inyo nang buong puso. Aawit ako ng mga papuri sa inyo sa harap ng mga dios.


Pinamumunuan ng Dios ang pagtitipon ng kanyang mga mamamayan. Sa gitna ng mga hukom siya ang humahatol sa kanila.


“Huwag ninyong lalapastanganin ang Dios at susumpain ang inyong pinuno.


Si Aaron ang magsasalita sa mga tao para sa iyo. Turuan mo siya ng mga sasabihin niya na parang ikaw ang Dios.


Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Makinig ka! Gagawin kitang parang Dios sa Faraon. Makikipag-usap ka sa kanya sa pamamagitan ng kapatid mong si Aaron.


At hindi natin maaaring balewalain ang Kasulatan. Kaya kung tinawag niyang ‘dios’ ang mga binigyan niya ng mensahe niya,


Sumagot ang mga tao sa kanya, “Nakasaad sa Kasulatan na ang Cristoʼy mabubuhay nang walang hanggan. Bakit mo sinasabing kailangang mamatay ang Anak ng Tao? Sino ba ang Anak ng Tao na tinutukoy mo?”


Sa ginawa nilang ito, natupad ang nakasulat sa kanilang Kautusan: ‘Napopoot sila sa akin nang walang dahilan.’ ”


Hindi baʼt nakasulat sa Kautusan ninyo na kapag tugma ang patotoo ng dalawang saksi, nangangahulugang totoo ang kanilang sinasabi?


Sinasabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Magsasalita ako sa mga taong ito sa pamamagitan ng ibaʼt ibang wika at sa pamamagitan ng mga dayuhan, ngunit hindi pa rin sila makikinig sa akin.”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas