Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Joel 3:3 - Ang Salita ng Dios

3 Nagpalabunutan sila para paghati-hatian ang aking mga mamamayan, at ipinagbili nila bilang alipin ang mga batang lalaki at babae, upang ibili ng alak at ibayad sa babaeng bayaran.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

3 At kanilang pinagsapalaran ang aking bayan, at kanilang ibinigay ang isang batang lalake dahil sa isang patutot, at ipinagbili ang isang batang babae dahil sa alak, upang sila'y mangakainom.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

3 at nagsapalaran para sa aking bayan, at kanilang ibinigay ang isang batang lalaki dahil sa isang babaing upahan, at ipinagbili ang isang batang babae dahil sa alak, at ininom iyon.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

3 At kanilang pinagsapalaran ang aking bayan, at kanilang ibinigay ang isang batang lalake dahil sa isang patutot, at ipinagbili ang isang batang babae dahil sa alak, upang sila'y mangakainom.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

3 Nagpalabunutan sila upang magpasya kung kanino mapupunta ang mga bihag. Ipinagbili nila ang mga bata bilang mga alipin upang ang pinagbilhan ay ibili naman ng alak at ibayad sa mga babaing parausan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

3 Nagpalabunutan sila upang magpasya kung kanino mapupunta ang mga bihag. Ipinagbili nila ang mga bata bilang mga alipin upang ang pinagbilhan ay ibili naman ng alak at ibayad sa mga babaing parausan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

3 Nagpalabunutan sila upang magpasya kung kanino mapupunta ang mga bihag. Ipinagbili nila ang mga bata bilang mga alipin upang ang pinagbilhan ay ibili naman ng alak at ibayad sa mga babaing parausan.

Tingnan ang kabanata Kopya




Joel 3:3
8 Mga Krus na Reperensya  

Bakit, kayo baʼy matuwid? Nagagawa nga ninyong ipaalipin ang isang ulila, o di kayaʼy ipagbili ang isang kaibigan!


Nakipagkalakalan din sa iyo ang Grecia, Tubal at Meshec, at ang ibinayad nila sa iyo ay mga alipin at mga gamit na yari sa tanso.


Kayong mga lasenggo, bumangon kayo at umiyak nang malakas! Sapagkat wala na kayong maiinom; wala nang bunga ang mga ubas na gagawing alak.


Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Israel: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Israel, parurusahan ko sila. Sapagkat ipinagbibili nila bilang alipin ang mga taong walang kasalanan dahil lamang sa kanilang utang. Ginagawa rin nila ito sa mga mahihirap kahit na isang pares lang na sandalyas ang utang.


Pinabayaan lamang ninyo ang Jerusalem nang salakayin ng ibang bansa. Pinabayaan ninyong kunin ang kanilang mga ari-arian at paghahati-hatian sa pamamagitan ng palabunutan. Kayoʼy tulad nila na mga kaaway ng Israel.


Ganoon pa man, naging bihag pa rin ang kanyang mga mamamayan at dinala sa ibang lugar. Ang kanilang mga anak ay pinagdudurog sa mga lansangan. Ginapos ng kadena ang kanilang mga tanyag na mamamayan at pinaghiwa-hiwalay para gawing alipin sa pamamagitan ng palabunutan.


At sino pa ang bibili ng mga pabango nila tulad ng sinamon, kamangyan, mira at iba pa? Wala nang bibili ng kanilang mga alak, langis, harina at trigo; at ng kanilang mga baka, tupa, kabayo at karo; at pati ng kanilang mga alipin at mga tao.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas