Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Jeremias 2:5 - Ang Salita ng Dios

5 Ito ang sinabi niya, “Anong kasalanan ang nakita ng mga ninuno nʼyo sa akin at tinalikuran nila ako? Sumusunod sila sa walang kwentang mga dios-diosan, kaya sila rin ay naging walang kabuluhan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

5 Ganito ang sabi ng Panginoon, Anong kalikuan ang nasumpungan ng inyong mga magulang sa akin, na sila'y nagsilayo sa akin, at nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan?

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

5 Ganito ang sabi ng Panginoon: “Anong kamalian ang natagpuan sa akin ng inyong mga magulang upang ako'y kanilang layuan, at sumunod sa kawalang kabuluhan, at naging walang kabuluhan?

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

5 Ganito ang sabi ng Panginoon, Anong kalikuan ang nasumpungan ng inyong mga magulang sa akin, na sila'y nagsilayo sa akin, at nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan?

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

5 Sinasabi ni Yahweh: “Ano ba ang nagawa kong kamalian at ako'y tinalikdan ng inyong mga magulang? Sumamba sila sa mga walang kabuluhang diyus-diyosan kaya sila'y naging walang kabuluhan din.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

5 Sinasabi ni Yahweh: “Ano ba ang nagawa kong kamalian at ako'y tinalikdan ng inyong mga magulang? Sumamba sila sa mga walang kabuluhang diyus-diyosan kaya sila'y naging walang kabuluhan din.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

5 Sinasabi ni Yahweh: “Ano ba ang nagawa kong kamalian at ako'y tinalikdan ng inyong mga magulang? Sumamba sila sa mga walang kabuluhang diyus-diyosan kaya sila'y naging walang kabuluhan din.

Tingnan ang kabanata Kopya




Jeremias 2:5
24 Mga Krus na Reperensya  

Itinakwil nila ang tuntunin ng Panginoon, ang kasunduang ginawa niya sa mga ninuno nila, at hindi rin sila nakinig sa mga babala niya. Sinunod nila ang mga walang kwentang dios-diosan at silaʼy naging walang kwenta na rin. Ginawa nila ang mga bagay na ipinagbabawal ng Panginoon na ginagawa ng mga bansang nakapalibot sa kanila.


Ang mga gumawa ng mga dios-diosan at nagtitiwala rito ay matutulad sa mga ito.


Sinabi ng Panginoon, “Ang mga taong itoʼy nagpupuri at nagpaparangal sa akin sa pamamagitan ng kanilang mga bibig, pero ang puso nilaʼy malayo sa akin. At ang pagsamba nila sa akin ay ayon lamang sa tuntunin ng tao.


Walang kwentang tao ang mga gumagawa ng mga rebultong dios-diosan. At ang mga rebultong ito na labis nilang pinahahalagahan ay walang halaga. Sila rin ang makakapagpatunay na ang mga iyon ay wala ring halaga. Sapagkat ang mga iyon ay hindi nakakakita at walang nalalaman. Kaya nga napapahiya ang mga sumasamba sa mga iyon.


Makinig kayo sa akin kayong matitigas ang ulo. Hindi ninyo mararanasan ang tagumpay at katuwiran.


Silang lahat ay matitigas ang ulo at mga hangal. Wala pong kabuluhan ang mga turo tungkol sa mga dios-diosan nila na gawa sa kahoy.


Pinagpapala nʼyo po sila na parang punongkahoy na nag-uugat, lumalago, at namumunga. Pinupuri po nila kayo ng mga bibig nila pero hindi galing sa puso nila.


Wala ni isang walang kwentang mga dios-diosan ng mga bansa ang makapagpapaulan o makapagpapaambon. Kahit ang langit mismo ay hindi makapagpapaulan. Kayo lang, Panginoon na aming Dios ang tanging makakagawa nito, kaya sa inyo po kami nagtitiwala.


“Kayong mga mamamayan sa henerasyong ito, pakinggan ninyo ang sinasabi ko. Ako baʼy parang isang ilang para sa inyo na mga taga-Israel, o kayaʼy parang isang lugar na napakadilim? Bakit ninyo sinasabi na, ‘Bahala na kami sa gusto naming gawin. Ayaw na naming lumapit sa Dios.’


Pakinggan nʼyo ang mensahe ng Panginoon, kayong mga mamamayan ng Israel na lahi ni Jacob.


Pakinggan nʼyo ang iyakan ng mga kababayan ko na naririnig sa buong lupain. Sinabi nila, “Wala na ba ang Panginoon sa Jerusalem? Wala na ba roon ang Dios na Hari ng Jerusalem?” Sumagot ang Panginoon, “Bakit nʼyo ako ginalit sa pamamagitan ng pagsamba nʼyo sa mga dios-diosang walang kabuluhan?”


“Anak ng tao, ang mga natitira sa Jerusalem ay nagsabi ng ganito tungkol sa kapwa nila Israelitang binihag. ‘Malayo sila sa Panginoon, kaya sa atin na ibinigay ng Panginoon ang lupaing ito.’


Gagawin ko ito para magsibalik sa akin ang lahat ng Israelitang lumayo sa akin dahil sa mga dios-diosan nila.’


Ang mga taong sumasamba sa mga walang kwentang dios-diosan ay hindi na tapat sa inyo.


‘Iginagalang ako ng mga taong ito sa mga labi lang nila, ngunit malayo sa akin ang kanilang mga puso.


“Mga kaibigan, bakit maghahandog kayo sa amin? Kami ay mga tao lang na katulad ninyo. Ipinangangaral namin sa inyo ang Magandang Balita para talikuran na ninyo ang mga walang kwentang dios na iyan at lumapit sa Dios na buhay. Siya ang lumikha ng langit, ng lupa, ng dagat, at ng lahat ng bagay na narito.


At kahit alam nilang may Dios, hindi nila siya pinarangalan o pinasalamatan man lang. Sa halip, ibinaling nila ang kanilang pag-iisip sa mga bagay na walang kabuluhan, kaya napuno ng kadiliman ang mga hangal nilang pag-iisip.


Pinagselos nila ako sa mga hindi tunay na dios, at ginalit nila ako sa kanilang walang kwentang mga dios-diosan. Kaya pagseselosin ko rin sila sa pamamagitan ng pagpapala ko sa ibang mga lahi. Gagalitin ko sila sa pamamagitan ng pagpapala ko sa mga mangmang na bansa.


Huwag kayong susunod sa mga walang kwentang dios-diosan. Hindi sila makakatulong o makakapagligtas sa inyo.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas