Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Jeremias 2:21 - Ang Salita ng Dios

21 Para kayong isang pinakamabuting klase ng ubas na aking itinanim. Pero bakit lumabas kayong bulok at walang kabuluhang ubas?

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

21 Gayon ma'y tinamnan kita ng mahal na puno ng ubas, na pawang mabuting binhi: bakit ka nga naging bansot na ibang puno ng ubas sa akin?

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

21 Gayunma'y itinanim kita na isang piling puno ng ubas, na pawang dalisay na binhi. Bakit nga naging bansot ka at naging ligaw na ubas?

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

21 Gayon ma'y tinamnan kita ng mahal na puno ng ubas, na pawang mabuting binhi: bakit ka nga naging bansot na ibang puno ng ubas sa akin?

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

21 Maganda ka noon nang aking itanim, mula sa pinakamalusog na binhi ng ubas. Tingnan mo ngayon ang naging buhay mo! Para kang ubas na ligaw, nabubulok ang bunga at walang pakinabang!

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

21 Maganda ka noon nang aking itanim, mula sa pinakamalusog na binhi ng ubas. Tingnan mo ngayon ang naging buhay mo! Para kang ubas na ligaw, nabubulok ang bunga at walang pakinabang!

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

21 Maganda ka noon nang aking itanim, mula sa pinakamalusog na binhi ng ubas. Tingnan mo ngayon ang naging buhay mo! Para kang ubas na ligaw, nabubulok ang bunga at walang pakinabang!

Tingnan ang kabanata Kopya




Jeremias 2:21
27 Mga Krus na Reperensya  

Pinili ko siya para ipatupad niya sa mga anak at mga lahi niya ang utos ko na gumawa sila ng tama at matuwid. Sa ganoong paraan, matutupad ang aking pangako sa kanya.”


Sinabi ng tao, “Simula ngayon hindi na Jacob ang pangalan mo kundi Israel na dahil nakipagbuno ka sa Dios at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay.”


Ang mga bansang hindi naniniwala sa inyo ay pinalayas nʼyo sa kanilang mga lupain at pinarusahan, samantalang ang aming mga ninuno ay itinanim nʼyo roon at pinalago.


Katulad namin ay puno ng ubas, na kinuha nʼyo sa Egipto at itinanim sa lupaing pinalayas ang mga nakatira.


Nilinis nʼyo ang lupaing ito at ang puno ng ubas ay nag-ugat at lumaganap sa buong lupain.


Dadalhin nʼyo ang mga mamamayan ninyo sa inyong lupain, at ilalagay nʼyo sila sa bundok na pagmamay-ari ninyo – ang lugar na ginawa nʼyong tahanan, O Panginoon, ang templong kayo mismo ang gumawa.


Tingnan ninyo ang lungsod ng Jerusalem. Matapat ito noon, pero ngayoʼy para nang babaeng bayaran. Datiʼy mga taong matuwid ang mga nakatira rito, pero ngayon ay mga mamamatay-tao.


“Sa araw na iyon, aawit kayo tungkol sa ubasan na umaani nang sagana, na larawan ng aking bayan.


“Pero ikaw, Israel, na aking lingkod at pinili na mula sa lahi ni Abraham na aking kaibigan,


Ano pa ang nakalimutan kong gawin sa ubasan ko? Matamis na bunga ang inaasahan ko, pero nang pitasin ko ito ay maasim.


Ang lahat mong mamamayan ay magiging matuwid, at sila na ang magmamay-ari ng lupain ng Israel magpakailanman. Ginawa ko silang parang halaman na itinanim ko para sa aking karangalan.


Noong una ay inihambing sila ng Panginoon sa isang malagong puno ng olibo na maraming bunga. Pero sa biglang pagdaan ng naglalagablab na apoy ay mawawasak sila na parang sinunog na mga sanga at hindi na mapapakinabangan pa.


Ang Panginoong Makapangyarihan ang nagtayo sa Juda at Israel, pero ngayon ay iniutos niyang wasakin ang mga ito, dahil masama ang ginagawa nila. Ginalit nila ang Panginoon sa pamamagitan ng paghahandog ng mga sinusunog na insenso kay Baal.


“Kayong mga kaaway ng mga taga-Israel, sirain nʼyo ang mga ubasan nila, pero huwag ninyong sirain nang lubusan. Tabasin nʼyo ang mga sanga, dahil ang mga taong ito ay hindi na sa Panginoon.


Ang mga mamamayan ng Jerusalem ay tulad ng kumupas na ginto o ng mamahaling bato na nagkalat sa lansangan.


“Anak ng tao, sa anong paraan nakakahigit ang sanga ng ubas sa ibang punongkahoy?


Muling nagsalita si Jesus sa kanila, “Makinig kayo sa isa pang talinghaga: May isang taong may bukid na pinataniman niya ng ubas. Pinabakuran niya ito at nagpagawa ng pisaan ng ubas. Nagtayo rin siya ng isang bantayang tore. At pagkatapos ay pinaupahan niya ang kanyang ubasan sa mga magsasaka at pumunta sa malayong lugar.


Nangaral si Jesus sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya, “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid. Pinabakuran niya iyon at nagpagawa siya ng pisaan ng ubas. Nagtayo rin siya ng isang bantayang tore. At pagkatapos ay pinaupahan niya ang kanyang ubasan sa mga magsasaka at pumunta siya sa malayong lugar.


Pagkatapos noon, ikinuwento ni Jesus sa mga tao ang talinghagang ito: “May isang tao na nagtanim ng mga ubas sa kanyang bukid. Pagkatapos, pinaupahan niya ang ubasan niya sa mga magsasaka at pumunta siya sa malayong lugar, at nanatili roon nang matagal.


Sinabi pa ni Jesus, “Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga.


Kasinsama ng mga naninirahan sa Sodom at Gomora ang ating mga kaaway, katulad ng ubas na mapait at nakakalason ang bunga,


At dahil sa minahal niya ang inyong mga ninuno, pinili niya kayo at inilabas sa Egipto sa pamamagitan ng kanyang presensya at kapangyarihan.


Naglingkod sa Panginoon ang mga Israelita habang nabubuhay pa si Josue. At kahit patay na si Josue, nanatili pa rin sila sa paglilingkod sa Panginoon habang buhay pa ang mga tagapamahala ng Israel na nakaranas ng lahat ng ginawa ng Panginoon para sa Israel.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas