Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Hosea 9:9 - Ang Salita ng Dios

9 Napakasama na ninyo tulad ng mga lalaki noon sa Gibea. Aalalahanin ng Dios ang inyong mga kasamaan, at parurusahan niya kayo sa inyong mga kasalanan.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

9 Sila'y nangagpapahamak na mainam, na gaya ng mga kaarawan ng Gabaa: kaniyang aalalahanin ang kanilang kasamaan, kaniyang dadalawin ang kanilang mga kasalanan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

9 Pinasama nila nang lubusan ang kanilang mga sarili. na gaya nang mga araw ng Gibea; kanyang aalalahanin ang kanilang kasamaan, kanyang parurusahan sila dahil sa kanilang mga kasalanan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

9 Sila'y nangagpapahamak na mainam, na gaya ng mga kaarawan ng Gabaa: kaniyang aalalahanin ang kanilang kasamaan, kaniyang dadalawin ang kanilang mga kasalanan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

9 Nagpakasamang lubha ang aking bayan gaya ng nangyari sa Gibea. Gugunitain ng Diyos ang kanilang kalikuan, at paparusahan ang kanilang mga kasalanan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

9 Nagpakasamang lubha ang aking bayan gaya ng nangyari sa Gibea. Gugunitain ng Diyos ang kanilang kalikuan, at paparusahan ang kanilang mga kasalanan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

9 Nagpakasamang lubha ang aking bayan gaya ng nangyari sa Gibea. Gugunitain ng Diyos ang kanilang kalikuan, at paparusahan ang kanilang mga kasalanan.

Tingnan ang kabanata Kopya




Hosea 9:9
16 Mga Krus na Reperensya  

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Bumaba ka na dahil nagpapakasama ang mga kababayan mo na inilabas mo sa Egipto.


Ang mundo ay dinungisan ng mga mamamayan nito, dahil hindi nila sinunod ang Kautusan ng Dios at ang kanyang mga tuntunin. Nilabag nila ang walang hanggang kasunduan ng Dios sa kanila.


Mga Israelita, magbalik-loob kayo sa Panginoong labis na ninyong sinuway.


Ito ang sagot ng Panginoon sa mga tao: “Talagang gusto na ninyong lumayo sa akin; ang sarili lang ninyong kagustuhan ang inyong sinusunod. Kaya ayaw ko na kayong tanggapin bilang aking mga mamamayan. Hindi ko makakalimutan ang kasamaan ninyo at parurusahan ko kayo.”


“At ikaw anak ng tao, sabihin mo sa mga taga-Ammon na humahamak sa mga taga-Israel na ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito sa kanila: Ang espada ay handa nang pumatay. Pinakintab ko na ito at kumikislap na parang kidlat.


Sinabi ng Panginoon, “Kayong mga mamamayan ng Israel ay patuloy sa pagkakasala mula pa noong magkasala ang inyong mga ninuno roon sa Gibea. Hindi kayo nagbago. Kaya kayong mga lahi ng masasama ay lulusubin sa Gibea.


Kaya kung paano ko parurusahan ang mga mamamayan, parurusahan ko rin kayong mga pari. Parurusahan ko kayo dahil sa inyong mga gawa.


“Hipan ninyo ang mga trumpeta para bigyang babala ang mga tao sa Gibea at Rama! Iparinig ang sigaw ng digmaan sa Bet Aven! Magbantay kayo, kayong mga mamamayan ng Benjamin.


Hindi nila naiisip na hindi ko nakakalimutan ang kanilang mga kasamaan. Hanggang ngayon ay nakatali pa sila sa kanilang mga kasalanan at nakikita kong lahat ito.


Naghahandog sila sa akin at kinakain nila ang karneng handog, pero hindi ako nalulugod sa kanila. At ngayon aalalahanin ko ang kanilang kasamaan at parurusahan ko sila dahil sa kanilang mga kasalanan. Babalik sila sa Egipto.


Bilang propeta, kasama ko ang Dios sa pagbabantay sa inyo na mga taga-Israel. Pero kahit saan ako pumunta ay nais ninyo akong ipahamak; para akong ibon na gusto ninyong mahuli sa bitag. Galit sa akin ang mga tao sa Israel, na itinuturing ng Dios na kanyang tahanan.


Dahil sa mga ginawa kong ito akala ko igagalang na ako ng aking mga mamamayan at tatanggapin na nila ang aking pagsaway sa kanila, para hindi na magiba ang kanilang lungsod ayon sa itinakda ko sa kanila. Pero lalo pa silang nagpakasama.


Sumagot ang Levita, “Hindi maaari na dito tayo matulog sa lugar na hindi sakop ng mga Israelita. Tutuloy tayo sa Gibea.


Nang madilim na, may isang matandang lalaki na pauwi galing sa kanyang bukirin. Ang matandang itoʼy nakatira dati sa kabundukan ng Efraim, pero ngayon ay nakatira na sa Gibea na sakop ng teritoryo ng lahi ni Benjamin.


Habang nagkakasayahan sila, biglang pinaligiran ng masasamang tao ang bahay, at kinalabog ang pintuan. Sinisigawan nila ang matandang may-ari ng bahay, “Palabasin mo ang bisita mong lalaki para makipagtalik kami sa kanya.”


Pinaligiran sila ng mga Israelita at hindi tumigil ang mga ito sa paghabol sa kanila hanggang sa silangan ng Gibea.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas