Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Genesis 4:9 - Ang Salita ng Dios

9 Pagkatapos, nagtanong ang Panginoon kay Cain, “Nasaan ang kapatid mo?” Sumagot si Cain, “Ewan ko, hindi ko alam kung nasaan siya. Bakit, ako ba ang tagapagbantay niya?”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

9 At sinabi ng Panginoon kay Cain, Saan naroon si Abel na iyong kapatid? At sinabi niya, Aywan ko: ako ba'y tagapagbantay sa aking kapatid?

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

9 At sinabi ng Panginoon kay Cain, “Nasaan si Abel na iyong kapatid?” At sinabi niya, “Aywan ko! Ako ba'y tagapagbantay ng aking kapatid?”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

9 At sinabi ng Panginoon kay Cain, Saan naroon si Abel na iyong kapatid? At sinabi niya, Aywan ko: ako ba'y tagapagbantay sa aking kapatid?

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

9 Tinanong ni Yahweh si Cain, “Nasaan ang kapatid mong si Abel?” Sumagot siya, “Hindi ko alam. Bakit, ako ba'y tagapag-alaga ng aking kapatid?”

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

9 Tinanong ni Yahweh si Cain, “Nasaan ang kapatid mong si Abel?” Sumagot siya, “Hindi ko alam. Bakit, ako ba'y tagapag-alaga ng aking kapatid?”

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

9 Tinanong ni Yahweh si Cain, “Nasaan ang kapatid mong si Abel?” Sumagot siya, “Hindi ko alam. Bakit, ako ba'y tagapag-alaga ng aking kapatid?”

Tingnan ang kabanata Kopya




Genesis 4:9
11 Mga Krus na Reperensya  

Sinabi ni Juda sa kanyang mga kapatid, “Ano ba ang makukuha natin kung papatayin natin ang kapatid natin at ililihim ang kamatayan niya?


Pagkatapos, dinala nila ang damit ni Jose sa kanilang ama at sinabi, “Nakita po namin ito. Tingnan po ninyong mabuti kung kay Jose po ito o hindi.”


Sinabi ng Panginoon kay Cain, “Ano ang iyong ginawa? Ang dugo ng kapatid moʼy parang tinig na nagmamakaawa na parusahan ko ang taong pumatay sa kanya.


Hindi niya nakakalimutan ang panawagan ng mga pinahihirapan; pinaghihigantihan niya ang mga nagpapahirap sa kanila.


Panginoon, tingnan nʼyo po ang pagpapahirap sa akin ng aking mga kaaway. Maawa kayo sa akin, at iligtas nʼyo ako sa bingit ng kamatayan,


Hindi ka uunlad kung hindi mo ipapahayag ang iyong mga kasalanan, ngunit kung ipapahayag mo ito at tatalikdan, kahahabagan ka ng Dios.


Ang diyablo ang inyong ama. At kung ano ang gusto niya, iyon ang ginagawa ninyo. Siyaʼy mamamatay-tao mula pa sa simula, at ayaw niya ng katotohanan dahil walang katotohanan sa kanya. Likas sa kanya ang pagsisinungaling dahil sinungaling siya, at siya ang pinagmumulan ng lahat ng kasinungalingan.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas