Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Genesis 27:30 - Ang Salita ng Dios

30 Pagkatapos basbasan ni Isaac si Jacob, lumakad agad si Jacob. Kaaalis lang niya ay dumating naman agad si Esau mula sa pangangaso.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

30 At nangyari pagkatapos ng pagbabasbas ni Isaac kay Jacob, at bahagya nang kaaalis ni Jacob sa harap ni Isaac na kaniyang ama, ay dumating si Esau na kaniyang kapatid, na galing sa kaniyang panghuhuli.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

30 Katatapos pa lamang basbasan ni Isaac si Jacob, at bahagya pa lamang nakakaalis si Jacob sa harap ni Isaac na kanyang ama, ay dumating si Esau na kanyang kapatid na galing sa kanyang pangangaso.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

30 At nangyari pagkatapos ng pagbabasbas ni Isaac kay Jacob, at bahagya nang kaaalis ni Jacob sa harap ni Isaac na kaniyang ama, ay dumating si Esau na kaniyang kapatid, na galing sa kaniyang panghuhuli.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

30 Matapos igawad ni Isaac ang kanyang basbas, umalis si Jacob. Siya namang pagdating ni Esau na may dalang usa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

30 Matapos igawad ni Isaac ang kanyang basbas, umalis si Jacob. Siya namang pagdating ni Esau na may dalang usa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

30 Matapos igawad ni Isaac ang kanyang basbas, umalis si Jacob. Siya namang pagdating ni Esau na may dalang usa.

Tingnan ang kabanata Kopya




Genesis 27:30
4 Mga Krus na Reperensya  

Alam ng Panginoon na mahusay siyang mangangaso; dito nanggaling ang kasabihang, “Katulad ka ni Nimrod na alam ng Panginoon na mahusay na mangangaso.”


Nawaʼy magpasakop at maglingkod sa iyo ang maraming tao. Nawaʼy maghari ka sa mga kamag-anak mo at magpasakop sila sa iyo. Nawaʼy ang sumusumpa sa iyo ay susumpain din, at ang magpapala sa iyo ay pagpapalain din.”


Nagluto rin siya ng masarap na pagkain at dinala niya sa kanyang ama. Sinabi niya, “Ama, bumangon po kayo at kumain ng pinangaso ko para mabasbasan po ninyo ako.”


At alam nʼyo na rin na pagkatapos ay hiningi ni Esau sa kanyang ama ang pagpapalang nauukol sa panganay, pero tinanggihan siya. Sapagkat hindi na mababago ang ginawa niya anumang pagsisikap at pag-iyak ang gawin niya.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas