Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Genesis 27:24 - Ang Salita ng Dios

24 nagtanong pa siya, “Ikaw ba talaga si Esau?” Sumagot si Jacob, “Opo, ako nga po.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

24 At sinabi niya, Ikaw bang tunay ang aking anak na si Esau? At sinabi niya, Ako nga.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

24 At sinabi niya, “Ikaw nga ba ang aking anak na si Esau?” At sinabi ni Jacob, “Ako nga.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

24 At sinabi niya, Ikaw bang tunay ang aking anak na si Esau? At sinabi niya, Ako nga.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

24 ngunit muli pang nagtanong, “Ikaw nga ba si Esau?” “Ako nga po,” tugon ni Jacob.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

24 ngunit muli pang nagtanong, “Ikaw nga ba si Esau?” “Ako nga po,” tugon ni Jacob.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

24 ngunit muli pang nagtanong, “Ikaw nga ba si Esau?” “Ako nga po,” tugon ni Jacob.

Tingnan ang kabanata Kopya




Genesis 27:24
16 Mga Krus na Reperensya  

Hindi nakilala ni Isaac si Jacob, dahil ang braso niya ay balbon din katulad ng kay Esau. Bago niya basbasan si Jacob,


Sinabi ni Isaac, “Sige nga, dalhin mo rito ang niluto mo mula sa pinangaso mo, at pagkatapos kong kumain ay babasbasan kita.” Kayaʼt binigyan siya ni Jacob ng makakain at maiinom, at kumain siya at uminom.


Tinanong siya ng hari, “Ano ba ang problema mo?” Sumagot siya, “Isa po akong biyuda,


Sinabi ng matandang propeta, “Propeta rin ako na katulad mo. At inutusan ng Panginoon ang isang anghel para sabihin sa akin na dalhin kita sa bahay ko para makakain at makainom ka.” (Pero nagsisinungaling ang matanda.)


Ang sinasabi mo ay bunga ng iyong kasamaan. At dinadaya mo ang iba sa pamamagitan ng iyong mga sinasabi.


Ang katotohanan ay mananatili kailanman, ngunit hindi magtatagal ang kasinungalingan.


Nasusuklam ang Panginoon sa mga nagsasabi ng kasinungalingan, ngunit nalulugod siya sa nagsasabi ng katotohanan.


Una, tulungan nʼyo ako na huwag magsinungaling. Pangalawa, huwag nʼyo akong payamanin o pahirapin, sa halip bigyan nʼyo lamang ako ng sapat para sa aking mga pangangailangan.


Ito ang dapat ninyong gawin: Magsabi kayo ng totoo sa isaʼt isa. Humatol kayo nang tama sa inyong mga hukuman para sa ikabubuti ng lahat.


Kaya huwag na kayong magsisinungaling. Ang bawat isaʼy magsabi ng katotohanan sa kanyang mga kapatid kay Cristo, dahil kabilang tayong lahat sa iisang katawan.


Huwag kayong magsinungaling sa isaʼt isa, dahil hinubad nʼyo na ang dati ninyong pagkatao at masasamang gawain,


Kaya nagkunwari siyang baliw, pinagkakalmot niya ang mga dingding ng lungsod at pinatulo ang laway niya sa kanyang balbas.


Sumagot si David, “May iniutos sa akin ang hari, at pinagbilinan niya ako na huwag ipagsasabi kahit kanino ang pakay ko rito. Ang mga tauhan ko namaʼy sinabihan ko na magkita-kita na lang kami sa isang lugar.


Kapag itinatanong ni Akish kung saan sila sumalakay nang araw na iyon, sinasabi nilang sinalakay nila ang Negev sa Juda, o sa bahagi ng Negev na tinitirhan ng mga Jerameelita o sa bahagi ng Negev na tinitirhan ng mga Keneo.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas