Genesis 24:40 - Ang Salita ng Dios40 Sumagot siya, ‘Ang Panginoon na sinusunod ko ay magpapadala ng anghel niya para samahan ka na mamagitan sa anak ko. Makakakita ka ng mapapangasawa ng anak ko mula sa aking mga kamag-anak, sa sambahayan ng aking ama. Tingnan ang kabanataAng Biblia40 At kaniyang sinabi sa akin, Ang Panginoon na sa harap niya'y lumalakad ako, ay susuguin niyang kasama mo ang kaniyang anghel, at kaniyang pagpapalain ang iyong lakad, at papag-aasawahin mo ang aking anak sa aking kamaganakan, at sa angkan ng aking ama: Tingnan ang kabanataAng Biblia 200140 At sinabi niya sa akin, ‘Ang Panginoon, na lagi kong sinusunod ay magsusugo ng kanyang anghel upang makasama mo, at kanyang pagpapalain ang iyong lakad, at ikukuha mo ng asawa ang aking anak mula sa aking mga kamag-anak at sa angkan ng aking ama. Tingnan ang kabanataAng Biblia (1905-1982)40 At kaniyang sinabi sa akin, Ang Panginoon na sa harap niya'y lumalakad ako, ay susuguin niyang kasama mo ang kaniyang anghel, at kaniyang pagpapalain ang iyong lakad, at papag-aasawahin mo ang aking anak sa aking kamaganakan, at sa angkan ng aking ama: Tingnan ang kabanataMagandang Balita Biblia (2005)40 Ang sagot po niya'y sasamahan ako ng anghel ni Yahweh upang magtagumpay sa aking lakad. Dito raw sa angkan ng kanyang ama ako kumuha ng mapapangasawa ng kanyang anak. Iyan po ang utos sa akin. Tingnan ang kabanataMagandang Balita Biblia40 Ang sagot po niya'y sasamahan ako ng anghel ni Yahweh upang magtagumpay sa aking lakad. Dito raw sa angkan ng kanyang ama ako kumuha ng mapapangasawa ng kanyang anak. Iyan po ang utos sa akin. Tingnan ang kabanataMagandang Balita Bible (Revised)40 Ang sagot po niya'y sasamahan ako ng anghel ni Yahweh upang magtagumpay sa aking lakad. Dito raw sa angkan ng kanyang ama ako kumuha ng mapapangasawa ng kanyang anak. Iyan po ang utos sa akin. Tingnan ang kabanata |
Dinala ako rito ng Panginoon, ang Dios ng kalangitan, mula sa sambahayan ng aking ama, sa lugar kung saan ako isinilang. At sumumpa siya na ibibigay niya ang lupaing ito ng Canaan sa mga lahi ko. Kaya lumakad ka dahil magpapadala ang Panginoon ng anghel niya na sasama sa iyo para makakita ka roon ng mapapangasawa ng anak ko.
Sumagot si Solomon, “Nagpakita po kayo ng malaking kabutihan sa aking amang si David, na inyong lingkod, dahil matapat siya sa inyo, at matuwid ang kanyang pamumuhay. Patuloy nʼyo pong ipinakita sa kanya ang inyong malaking kabutihan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng isang anak na siya pong pumalit sa kanya bilang hari ngayon.
Dahil dito, sinabi ng hari, “Purihin ang Dios nina Shadrac, Meshac, at Abednego. Nagsugo siya ng kanyang anghel para iligtas ang kanyang mga lingkod na nagtitiwala sa kanya. Hindi nila sinunod ang aking utos; minabuti pa nilang mapatapon sa apoy kaysa sumamba sa alinmang dios maliban sa kanilang Dios.