Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




3 Juan 1:1 - Ang Salita ng Dios

1-2 Mula sa namumuno sa iglesya. Mahal na kaibigang Gaius, na lubos kong minamahal: Idinadalangin ko na maging malusog ka at sanaʼy nasa mabuting kalagayan, tulad ng buhay mong espiritwal na alam kong nasa mabuti ring kalagayan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

1 Ang matanda, kay Gayo na minamahal, na aking iniibig sa katotohanan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

1 Ang matanda, kay Gayo na minamahal, na aking iniibig sa katotohanan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

1 Ang matanda, kay Gayo na minamahal, na aking iniibig sa katotohanan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

1 Mula sa isang Matandang pinuno ng iglesya— Para kay Gayo na lubos kong minamahal.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

1 Mula sa Matandang pinuno ng iglesya— Para kay Gayo na lubos kong minamahal.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

1 Mula sa isang Matandang pinuno ng iglesya— Para kay Gayo na lubos kong minamahal.

Tingnan ang kabanata Kopya




3 Juan 1:1
9 Mga Krus na Reperensya  

Ipinadala nila ito sa pamamagitan nina Bernabe at Saulo para ibigay sa mga namumuno ng iglesya sa Jerusalem.


At ang kaguluhan ay kumalat sa buong lungsod. Hinuli nila ang mga kasama ni Pablo na sina Gaius at Aristarcus na mga taga-Macedonia. Pagkatapos, sama-sama silang nagtakbuhan sa lugar na pinagtitipunan ng mga tao habang kinakaladkad nila ang dalawa.


Sumama sa kanya si Sopater na taga-Berea na anak ni Pyrhus, sina Aristarcus at Secundus na mga taga-Tesalonica, si Gaius na taga-Derbe, si Timoteo, at sina Tykicus at Trofimus na mga taga-Asia.


Kinukumusta rin kayo ni Gaius. Akong si Pablo ay nakikituloy dito sa bahay niya, at dito rin nagtitipon ang mga mananampalataya sa lugar na ito. Kinukumusta rin kayo ni Erastus na tresurero ng lungsod at ng ating kapatid na si Quartus. [


Salamat sa Dios at wala akong binautismuhan sa inyo maliban kina Crispus at Gaius.


Sa mga namumuno sa iglesya, may nais akong ipakiusap sa inyo bilang isa ring namumuno sa iglesya at nakasaksi sa mga paghihirap ni Cristo, at makakabahagi rin sa kaluwalhatian niya sa kanyang pagdating.


Mga anak, huwag tayong magmahalan sa salita lang, kundi ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahalan.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas