Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




2 Samuel 11:8 - Ang Salita ng Dios

8 Pagkatapos, sinabi ni David sa kanya, “Umuwi ka muna at magpahinga.” Kaya umalis si Uria sa palasyo, at pinadalhan siya ni David ng mga regalo sa bahay niya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

8 At sinabi ni David kay Uria, Babain mo ang iyong bahay, at iyong hugasan ang iyong mga paa. At umalis si Uria sa bahay ng hari at isinusunod sa kaniya ang isang pagkain na mula sa hari.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

8 Sinabi ni David kay Urias, “Bumaba ka sa iyong bahay at hugasan mo ang iyong mga paa.” At lumabas si Urias sa bahay ng hari at isinunod sa kanya ang isang regalo mula sa hari.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

8 At sinabi ni David kay Uria, Babain mo ang iyong bahay, at iyong hugasan ang iyong mga paa. At umalis si Uria sa bahay ng hari at isinusunod sa kaniya ang isang pagkain na mula sa hari.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

8 Sinabi pa niya kay Urias, “Umuwi ka na at sipingan ang iyong asawa sapagkat nanggaling ka pa sa malayong paglalakbay.” Lumakad nga si Urias. Ang hari ay nagpadala pa ng regalo para sa tahanan nito.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

8 Sinabi pa niya kay Urias, “Umuwi ka na at sipingan ang iyong asawa sapagkat nanggaling ka pa sa malayong paglalakbay.” Lumakad nga si Urias. Ang hari ay nagpadala pa ng regalo para sa tahanan nito.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

8 Sinabi pa niya kay Urias, “Umuwi ka na at sipingan ang iyong asawa sapagkat nanggaling ka pa sa malayong paglalakbay.” Lumakad nga si Urias. Ang hari ay nagpadala pa ng regalo para sa tahanan nito.

Tingnan ang kabanata Kopya




2 Samuel 11:8
11 Mga Krus na Reperensya  

Magpapakuha po ako ng tubig para makapaghugas kayo ng mga paa ninyo at makapagpahinga sa lilim ng punongkahoy na ito.


“Kung maaari po, dumaan muna kayo sa bahay ko para makapaghugas kayo ng mga paa ninyo at dito na po kayo matulog ngayong gabi. At bukas na lang kayo ng umaga magpatuloy sa paglalakbay ninyo.” Pero sumagot sila, “Huwag na lang, doon na lang kami matutulog sa plasa ngayong gabi.”


Pinapasok ng tagapamahalang alipin ang magkakapatid sa bahay ni Jose at binigyan ng tubig para makapaghugas sila ng kanilang mga paa. Binigyan din niya ng pagkain ang kanilang mga asno.


Hinainan sila ng pagkain na galing sa mesa ni Jose pero ang ibinigay kay Benjamin na pagkain ay limang beses ang dami kaysa sa iba. Nagsikain sila at nagsiinom kasama si Jose.


Nagsisinungaling sila sa kanilang kapwa. Nambobola sila para makapandaya ng iba.


hindi baʼt iyon ay malalaman nʼyo rin? Dahil alam nʼyo kahit ang mga lihim sa isip ng tao.


Malumanay at mahusay nga siyang magsalita, ngunit puno naman ng poot ang kanyang puso, at ang kanyang pananalita ay nakakasugat tulad ng matalim na espada.


Nakakaawa kayong mga nagtatago ng inyong mga plano sa Panginoon. Ginagawa ninyo ang inyong mga gawain sa dilim at sinasabi ninyo, “Walang makakakita o makakaalam ng ginagawa natin.”


Walang natatago na hindi malalantad, at walang nalilihim na hindi mabubunyag.


Pagkatapos ay nilingon niya ang babae at sinabi kay Simon, “Tingnan mo ang babaeng ito. Nang pumasok ako sa bahay mo, hindi mo ako binigyan ng tubig na ipanghuhugas sa paa ko. Pero ang babaeng itoʼy sariling luha ang ipinanghugas sa paa ko at ang buhok pa niya ang ipinunas dito.


Walang makapagtatago sa Dios. Nakikita niya at lantad sa paningin niya ang lahat, at sa kanya tayo mananagot.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas