Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




2 Juan 1:5 - Ang Salita ng Dios

5 Kaya Ginang, hinihiling ko sa iyo ngayon na magmahalan tayong lahat. Hindi ito isang panibagong utos kundi ito rin ang utos na ibinigay sa atin noong una tayong sumampalataya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

5 At ngayo'y ipinamamanhik ko sa iyo, ginang, na hindi waring sinusulatan kita ng isang bagong utos, kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula, na tayo'y mangagibigan sa isa't isa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

5 Ngunit ngayo'y hinihiling ko sa iyo, ginang, na hindi para bang sinusulatan kita ng isang bagong utos, kundi ang ating tinanggap buhat nang pasimula, na tayo'y mag-ibigan sa isa't isa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

5 At ngayo'y ipinamamanhik ko sa iyo, ginang, na hindi waring sinusulatan kita ng isang bagong utos, kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula, na tayo'y mangagibigan sa isa't isa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

5 At ngayon, minamahal na Ginang, hinihiling ko sa iyo na mag-ibigan tayong lahat. Hindi ito bagong utos kundi isang dating utos na sa simula pa'y nasa atin na.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

5 At ngayon, Ginang, hinihiling ko sa iyo na magmahalan tayong lahat. Hindi ito bagong utos kundi isang dating utos na sa simula pa'y nasa atin na.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

5 At ngayon, minamahal na Ginang, hinihiling ko sa iyo na mag-ibigan tayong lahat. Hindi ito bagong utos kundi isang dating utos na sa simula pa'y nasa atin na.

Tingnan ang kabanata Kopya




2 Juan 1:5
17 Mga Krus na Reperensya  

Ito ang aking utos sa inyo: magmahalan kayo katulad ng pagmamahal ko sa inyo.


Ito nga ang utos ko sa inyo: magmahalan kayo.”


Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan,


Mamuhay kayo nang may pag-ibig sa kapwa tulad ng pag-ibig sa atin ni Cristo. Inialay niya ang sarili niya para sa atin bilang mabangong handog sa Dios.


Ngayon, tungkol sa pagmamahalan bilang magkakapatid sa Panginoon, hindi na kayo kailangang paalalahanan pa tungkol dito, dahil ang Dios na mismo ang nagturo sa inyo na magmahalan.


Magpatuloy kayo sa pag-iibigan bilang magkakapatid kay Cristo.


Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat. Sapagkat kung mahal mo ang kapwa mo, mapapatawad mo siya kahit gaano pa karami ang nagawa niyang kasalanan.


sa kabanalan, ang pag-ibig sa mga kapatid kay Cristo; at sa pag-ibig sa mga kapatid kay Cristo, ang pag-ibig sa lahat.


Ito ang aral na narinig ninyo nang sumampalataya kayo: Dapat tayong magmahalan.


At ito ang kanyang utos: Dapat tayong sumampalataya sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo, at magmahalan gaya ng iniutos niya sa atin.


Ang nagsasabing mahal niya ang Dios ngunit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Dahil kung ang kapatid niya mismo na nakikita niya ay hindi niya mahal, paano pa kaya niya magagawang mahalin ang Dios na hindi naman niya nakikita?


Mula sa namumuno sa iglesya. Mahal kong Ginang na pinili ng Dios, kasama ng iyong mga anak. Minamahal ko kayong tunay, at hindi lang ako kundi ang lahat ng nakakakilala sa katotohanan.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas