Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




1 Juan 5:7 - Ang Salita ng Dios

7 Kaya may tatlong nagpapatotoo tungkol kay Jesus:

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

7 At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka't ang Espiritu ay katotohanan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

7 Sapagkat may tatlong nagpapatotoo:

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

7 At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka't ang Espiritu ay katotohanan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

7-8 Tatlo ang nagpapatotoo: ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo; at ang tatlong ito ay nagkakaisa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

7-8 Tatlo ang nagpapatotoo [sa langit: ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu Santo; at ang tatlong ito'y iisa. At mayroong tatlong nagpapatotoo sa lupa:] ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo; at ang tatlong ito ay nagkakaisa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

7-8 Tatlo ang nagpapatotoo: ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo; at ang tatlong ito ay nagkakaisa.

Tingnan ang kabanata Kopya




1 Juan 5:7
31 Mga Krus na Reperensya  

Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, ang langit ay nalikha; sa kanyang hininga nagmula ang araw, buwan at mga bituin.


Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay nasa akin. Sapagkat hinirang niya ako na mangaral ng magandang balita sa mga mahihirap. Sinugo niya ako para aliwin ang mga sugatang-puso, at para ibalita sa mga bihag at mga bilanggo na silaʼy malaya na.


Habang nagsasalita pa si Pedro, nabalot sila ng nakakasilaw na ulap. At may tinig silang narinig mula sa mga ulap na nagsasabing, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!”


Pero kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka ng isa o dalawa pang kapatid sa pananampalataya ‘para ang lahat ng pag-uusapan ninyo ay mapapatotohanan ng dalawa o tatlong saksi,’ ayon sa Kasulatan.


Kaya puntahan ninyo ang lahat ng mga lahi at gawin silang mga tagasunod ko. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu.


Nang pasimula, naroon na ang tinatawag na Salita. Ang Salita ay kasama ng Dios at ang Salita ay Dios.


Ako at ang Ama ay iisa.”


Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa Ama, “Ama, ipakita nʼyo ang inyong kadakilaan.” Isang tinig mula sa langit ang sumagot, “Ipinakita ko na sa pamamagitan mo, at muli ko itong ipapakita.”


Siya ang Banal na Espiritu na tagapagturo ng katotohanan. Hindi siya matanggap ng mga taong makamundo dahil hindi siya nakikita o nakikilala ng mga ito. Pero kilala nʼyo siya, dahil kasama nʼyo siya at sasainyo magpakailanman.


Pagkatapos, sinabi ni Jesus, “Ipapadala ko sa inyo ang Banal na Espiritu mula sa Ama. Siya ang Tagatulong nʼyo at tagapagturo ng katotohanan. Pagdating niya, magpapatotoo siya kung sino talaga ako.


May kapangyarihan ang Ama na magbigay ng buhay. Ganoon din naman, may kapangyarihan ako na kanyang Anak na magbigay ng buhay, dahil binigyan niya ako ng kapangyarihang ito.


Nagpapatotoo ako tungkol sa aking sarili, at ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo rin tungkol sa akin.”


Sumagot si Jesus, “Kung ako lang ang magpaparangal sa sarili ko, wala itong saysay. Ngunit ang Ama, na sinasabi nʼyong Dios ninyo, ang siyang magpaparangal sa akin.


Itinaas siya sa kanan ng Dios. At ibinigay sa kanya ng Ama ang Banal na Espiritung ipinangako sa kanya. Ang Banal na Espiritung ito ay ipinadala naman ni Jesus sa amin, at ang kanyang kapangyarihan ang siyang nakikita ninyo at naririnig ngayon.


Nagpapatunay kami na ang lahat ng ito ay totoo, at ganoon din ang Banal na Espiritu na ibinigay ng Dios sa lahat ng sumusunod sa kanya.”


“Makinig kayo, O mga mamamayan ng Israel: Ang Panginoon na ating Dios ay iisang Panginoon lang.


Ipinapahayag namin sa inyo ang tungkol sa kanya na mula pa sa simula ay nariyan na. Narinig namin siya, nakitaʼt napagmasdan ng sarili naming mga mata, at nahawakan pa namin siya. Siya ang Salita ng Dios na nagbibigay ng buhay na walang hanggan.


Si Jesus na naparito sa mundo ay napatunayang Anak ng Dios sa pamamagitan ng tubig nang magpabautismo siya at sa pamamagitan ng dugo nang mamatay siya. Hindi lang sa tubig kundi sa pamamagitan din ng dugo. At ang mga bagay na itoʼy pinatotohanan din sa atin ng Banal na Espiritu, dahil ang Espiritu ay katotohanan.


ang Banal na Espiritu, ang tubig nang magpabautismo siya, at ang dugo nang mamatay siya. At ang tatlong itoʼy nagkakaisa.


Ang suot niyang damit ay inilubog sa dugo. At ang tawag sa kanya ay “Salita ng Dios.”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas