Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 4:4 - Ang Biblia

4 At tinuruan niya ako, at nagsabi sa akin: Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita; ingatan mo ang aking mga utos, at mabuhay ka:

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

4 tinuruan niya ako, at sa akin ay nagwika, “Panghawakan ng iyong puso ang aking mga salita. Tuparin mo ang aking mga utos, at mabubuhay ka.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

4 At tinuruan niya ako, at nagsabi sa akin: Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita; Ingatan mo ang aking mga utos, at mabuhay ka:

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

4 itinuro niya sa akin at kanyang sinabi, “Sa aking mga aral buong puso kang manangan, sundin mo ang aking utos at ikaw ay mabubuhay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

4 itinuro niya sa akin at kanyang sinabi, “Sa aking mga aral buong puso kang manangan, sundin mo ang aking utos at ikaw ay mabubuhay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

4 itinuro niya sa akin at kanyang sinabi, “Sa aking mga aral buong puso kang manangan, sundin mo ang aking utos at ikaw ay mabubuhay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

4 Tinuruan ako ni ama. Sinabi niya sa akin, “Anak, ingatan mo sa iyong puso ang mga itinuturo ko. Sundin mo ang mga utos ko at mabubuhay ka nang matagal.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 4:4
22 Mga Krus na Reperensya  

Sapagka't siya'y aking kinilala, upang siya'y magutos sa kaniyang mga anak at sa kaniyang sangbahayan pagkamatay niya, na maingatan nila ang daan ng Panginoon, na gumawa ng kabanalan, at kahatulan; upang padatnin ng Panginoon, kay Abraham ang kaniyang ipinangako tungkol sa kaniya.


At ikaw, Salomon na aking anak, kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng sakdal na puso at ng kusang pagiisip: sapagka't sinasaliksik ng Panginoon ang lahat na puso, at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip: kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo; nguni't kung pabayaan mo siya, kaniyang itatakwil ka magpakailan man.


Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.


Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man: bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.


Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo; sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.


Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.


Anak ko, ibigay mo sa akin ang iyong puso, at malugod ang iyong mga mata sa aking mga daan.


Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos:


Sapagka't karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, at kapayapaan, ay madadagdag sa iyo.


Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata.


Inyong ikiling ang inyong tainga, at magsiparito kayo sa akin; kayo'y magsipakinig, at ang inyong kaluluwa ay mabubuhay: at ako'y makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan, sa makatuwid baga'y ng tunay na mga kaawaan ni David.


Nguni't sinabi ni Jeremias, Hindi ka ibibigay nila. Isinasamo ko sa iyo, na talimahin mo ang tinig ng Panginoon, tungkol sa aking sinalita sa iyo: sa gayo'y ikabubuti mo, at ikaw ay mabubuhay.


At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama, gayon ko sinasalita.


At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.


Magingat ka lamang sa iyong sarili, at ingatan mo ang iyong kaluluwa ng buong sikap, baka iyong malimutan ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata, at baka mangahiwalay sa iyong puso ang lahat ng araw ng iyong buhay; kundi iyong ipakilala sa iyong mga anak at sa mga anak ng iyong mga anak;


At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso;


Na inaalaala ko ang pananampalatayang hindi pakunwari na nasa iyo; na namalagi muna kay Loida na iyong lelang, at kay Eunice na iyong ina; at, ako'y naniniwalang lubos, na nasa iyo rin naman.


At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.


At nang siya'y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya;


At sinabi ni Manoa, Mano nawa'y mangyari ang iyong mga salita: ano ang ipagpapagawa sa bata, at paanong aming gagawin sa kaniya?


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas